M I L L E R
"You got some fighters here, huh." Mayabang na hamon ng lalaki na kanina pa nangunguna sa paghabol sa akin. I assume that he's the right hand man of their pure vampire leader dahil sa agresibo niyang paghabol.
Patalon-talon siyang pumwesto. Nakakuyom ng mahigpit ang kamao niya, habang nakangisi ng manipis.
Tch! Maka-porma naman ito parang hindi ko siya nasugatan kanina. Bakas pa nga sa damit niya ang sarili niyang dugo.
"Huwag kayong matakot! Mas marami tayo!" A man behind him encouraged their side.
They sure are trying to encourage themselves. Malamang ay naaamoy rin ng mga ito ang matapang na enerhiya ng mga alpha na kasama ko.
Sa pagkakataon na ito ay lagpas isang dosenang bampira na ang nasa harap namin. Nasa tatlo hanggang lima lang sa kanila ang alpha, lahat ng natira ay pawang mga beta na. Kaya naman pala may ilan sa mga ito ang napaatras sa kinatatayuan nila nang makita sina Mateo.
"You did a good job here, Miller," bati sa akin ni Mateo na humakbang sa tabi ko.
"You think so? Alam niyo ba na nandito si Axel? Sumunod siya sa akin."
"He's here?"
"Uh-huh. Pero sinabihan ko siyang magtago. I don't want him to be a target."
"Great decision... Let's just finish this before anything else," huling sambit ni Mateo bago lumantad muli ang matatalim niyang kuko.
Mukhang alam din naman ng kabilang kampo ang pahiwatig nito kaya walang kung ano-ano silang sumugod din sa amin.
Since we are outnumbered, it's sure that I would have to deal with more than one person at the same time. Nagmistulang nakawalang mga aso sa pagsugod sa akin ang mga ito.
Two came at me running at a time. At dahil kanina pa ako tumatakbo ay hindi pa rin tuluyang bumabalik ang buong lakas ko. I have to play a little dirty by swiftly tossing and evading them aside.
"Ano 'yan, Miller? Wala akong natatandaan na tinuro ko 'yan sa'yo?" Out of all people here, si Leo pa talaga ang nakakita ng katamaran ko.
Matamlay akong ngumiti sa kanya bago iwasan ulit ang paparating na basurahan na inihagis sa akin ng isa sa dalawang lalaking sumugod sa akin kanina.
"Pasensya na. Napagod ako sa pag-teleport ko kanina," paliwanag ko.
Leo scoffed as he sprint over me and kicked the annoying hooligan.
"Sige, sige. Palalampasin kita ngayon." Hindi pa man tapos si Leo sa sasabihin niya ay may lumusot na naman na kalaban at akmang susuntukin ako. Agad ko naman itong sinangga gamit ang braso ko at sumugod na rin.
I punched the intruder sanhi para bahagya siyang tumalsik sa unahan.
"Pero hindi naman ibig sabihin nito ay wala na akong gagawin," I declared to him.
After that the action continued with louder thuds and bangs on the street. Lalo na at nag-seryoso na rin ang mga kasama ni Mateo at Leo. Kagaya ni Mateo ay nakausli na rin ang mahaba nilang kuko.
I wonder when I can do that too.
Pagkatapos kong makita saglit ang ginagawa ng mga kasama ko ay binalik ko naman ang focus ko sa mga kalaban. They just keep coming, wala akong oras para manood ng sagupaan ng iba. Hindi rin pwede na iwas lang ako nang iwas.
Another set of enemies came. Pero sa pagkakataon na ito ay may hawak na akong matalim na sandata. May nakita kasi akong bote na nakakalat lang sa tabi, binasag ko ito at pinakinabangan ang matalim na dulo.

BINABASA MO ANG
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...