CHAPTER EIGHTY-ONE

4 1 1
                                        

* * *

"This is my first task on my first day of taking this position. And of all the people that I have to meet, it has to be you," pagmamaktol ni Logan.

Ngumisi naman si Mateo at nagwika rin sa parehong malamig at dismayado na boses na gamit ni Logan.

"I thought a good vampire would replace Bernard. It's a shame that it's just you."

"Your tongue is still as sharp as ever, Mateo."

"And you're as entitled as ever. As h0rny as ever. As noisy as ever, Logan."

Nagpalitan ng maanghang na mga salita ang dalawa. Matagal nang magkakilala sina Logan at Mateo. Kung si Bernard at Axel ay may nakaraan sa isa't isa, ganoon din ang dalawang binatang ito. Ngunit sa ibang paraan at ibang panahon naman naganap ang ugnayan nilang dalawa.

Pareho silang lumaki sa mayayamang pamilya kaya pareho rin silang nirerespeto ng marami. Idagdag pa na pareho silang alpha. Nasa Europa pa sila noon at parehong nag-aaral sa pinakamalaki at pinakamatandang paaralan sa España. Sinasabi na sa lupang tinitirikan ng paaralan nanirahan ang unang pamilya ng mga bampira. Dahil sa mahalaga nitong historya ay maraming mga bampira na parte ng malalaki at mayayaman na mga angkan ang pinapadala ang kanilang mga anak para pag-aralin dito.

Madalas na nakukumpara sina Logan at Mateo noong kabataan nila. Subalit sadyang mas disiplinado at misteryoso si Mateo kumpara kay Logan. Gusto ng mga kababaihan ang mga tipo ni Mateo.

Nakangiti man sa labas, puno naman ng poot at inggit sa loob si Logan sa kanya.

Parte ng pagkabata ang simpleng kaisipan pagdating sa maraming bagay, kabilang na dito ang pag-ibig. Dumaan din sa parehong yugto si Mateo. Nahulog ang loob niya sa isang kaklaseng babae. Nang malaman ni Logan na may napupusuan ang isang Mateo Lacson ay agad siyang kumilos para gawin ang bagay na alam niyang hindi kayang gawin ni Mateo.

At ganun lang kasimple. Gamit ang ilang mapanuyong salita at ang kapal ng kanyang mukha ay nakuha niya ang babaeng napupusuan ni Mateo. Mula noon, natuklasan ni Logan kung saang larangan siya dalubhasa at mas nangunguna kay Mateo – ang pang-aakit.

Sa kabilang banda, ay walang kamuwang-muwang si Mateo sa tunay na sanhi ng kanyang nabigong pag-ibig. Kinamumuhian niya lang si Logan dahil sa salungat nilang pag-uugali.

Maingay at bulgar si Logan. Nagdudulot at nasasangkot siya sa maraming gulo at gustong-gusto ang labis na karangyaan. Kaya kung maaaring, sa tuwing nagtatagpo silang dalawa ay nais ni Mateo na ilayo ang sarili sa lalaki.

"You sure have a lot to say, dear friend," tumawa si Logan nang marinig ang maraming insulto ni Mateo.

Hindi na rin naman nagpaligoy-ligoy ang isa dahil naglabas na ng sandata si Mateo mula sa kanyang bulsa. Sa unang tingin, ito ay tila isang tipak ng metal na singlapad ng palad. Ngunit ito ay isa talagang portable na staff. Bagama't mahina at walang talim, sapat pa rin ito para magamit ni Mateo sa saglit na pakikipaglaban niya kay Logan.

Hindi na nag-aksaya ng laway at oras si Mateo. Agad na siyang tumakbo sa direksyon ni Logan. Mahigpit niyang hawak ang kanyang staff bago siya lumundag sa harap nito para puntiryahin ang ulo ng kalaban. Pero isa ring bampira si Logan at walang kahirap-hirap na naiwasan ang pag-atake ni Mateo gamit ang teleportation.

Buong akala niya ay nakaligtas na siya. Subalit alam na ni Mateo ang susunod niyang galaw.

"Logan doesn't like pain. He won't attack. He will just dodge." Ito ang unang kalkulasyon ni Mateo. Hindi naman siya nagkamali. Sa sandaling nakita niya na umiwas nga at kumagat sa kanyang bitag si Logan ay hindi pa man nakakaapak ang kanyang sapatos sa mainit na semento ay nag-teleport na siya sa likod ni Logan.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now