M I L L E R
Sa pagkakaalam ko ay malayo mula sa red light district ang resort na ito. Napakalayo. At sa tindig pa lang ng babaeng ito ay para namang hindi siya ang tipo ng babae na tumatangkilik sa mga host club para maglibang. Sa madaling salita, sa palagay ko ay maling tao ata ang tinutukoy ng ale.
Besides, I am nervous by how Axel is staring at her. He has his eyes narrowed, oozing with suspicion. Ano kaya ang nasa isipan niya ngayon? Iniisip niya ba na ex ko ang babaeng 'to? O kaya ay may dati ko itong kliyente?
Well, it has been so long and I don't think that I have a previous lover this young. Dahil kung iisipin ay mga nasa edad 60 pataas na ang mga kasabayan ko noon.
Me as a host is an old story.
"I think you got the wrong person," sabi ko.
"N-No. No. No. I'm positive that it's you."
"Excuse? You just said he's familiar, now you're positive it's him?" sabad naman ni Axel na agad pumagitna. "Hey, is this how women flirt these days?" bulong niya sa akin.
Mukhang narinig ata ng babae ang sinabi ni Axel.
"Flirt?" anito.
Yet before I could even reply, Axel did a weak pull to show resistance.
"Mga anak mo?" maangas niyang tanong.
I calmly grabbed Axel's wrist as I pulled him back gently.
"Okay, now calm down... Uhm, pwede bang pakisabi kung sa paanong paraan ako familiar? You see, my darling here is a jealous person."
Sinadya kong ipaalam ang relasyon namin ni Axel. Dahil kung sakali nga na she's trying to flirt at least she would know that she's already a no no.
Pero mukhang hindi ata siya nagulat o nagpakita man lang ng pag-aalinlangan. Imbes ay dumukot siya sa kanyang bulsa. She just grabbed her phone and swiped for a few times before showing me its screen.
"This is you, isn't it?"
At sa sandaling nakita ko ang litrato na nasa cellphone ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang kamay ni Axel.
"Kaya nga sinabi ko sa'yo na kailangan mong mag-transform. It has its purpose, you know."
Although Axel was spitting things that might be weird to others, the woman remained staring at me. Mukhang may gusto pa ata siyang sabihin pero may dumating na lalaki. Tinawag niya ang mga bata, at base sa narinig ko ay pamangkin ng lalaki ang mga ito at magkasintahan sila ng babae.
In the end, the woman wasn't able to tell me how I was familiar to her. Inabutan niya lang ako ng business card before leaving with her boyfriend.
I accepted the card and forgot about it. Spend the night as usual with Axel. Hanggang sa nakalimutan ko na ang tungkol dito. Kaya kinabukasan ay walang-bahala akong tumungo sa dining area. Pero kung gaano ako kawalang-bahala sa paligid ay hindi naman maipinta ang mukha ni Axel sa labis niyang pagmamasid sa mga taong nakakasabay namin.
"Uhm, gusto mo ba ng pinya?" I offered him so that he can at least relax the muscles around his eyes that have been scanning the whole room for a while now.
"Yes. Sure. Sure. Put some, please," he replied while absently reaching his plate to me.
Ah. Mukhang pinagsususpetshahan niya nga talaga ng matindi ang babae kagabi. Hindi naman niya ako tinanong tungkol dito nung bumalik na kami. Pero sa nakikita kong kilos niya ngayon, klarong-klaro na naaabala siya nito.
I was so eager to talk about it once we reached our table. Pero mukhang wrong timing pa ata dahil sa sandaling lumayo kami sa buffet table ay nakasalubong na naman namin ang babae at ang boyfriend niya.

YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...