CHAPTER NINETY-THREE

3 0 0
                                        

M I L L E R

"Ooh! Alam mo naman pala, eh!"

"Hey, be honest. Madalas ka rito, no?"

Nakakairita itong dalawang babae. They escorted us up until the Golden Palace... kuno. But it turned out na mga manloloko lang ang mga ito. They thought that we were just a couple of newcomers in the red light district. Well, siguro nga isang newcomer si Mateo, pero hindi ako.

They brought us into a fake Golden Palace. Kung saan ay ginto nga ang mga disenyo at ang bar counter. Pero hindi ito ang Golden Palace na alam ko, they just copied the name. Isa pa, hindi naman bar ang sikat na Golden Palace.

Pagdating namin sa lugar na iyon ay agad kaming sinalubong ng mga kalalakihan. They tried to entertain us as if they were just staff welcoming new patrons.

Pero hindi ko na pinatagal pa ang pagkukunwari nila at agad na silang binisto. Sinubukan nila kaming pigilan at pagtutulungan pa sana. Kaso may ginawang trick si Mateo at bigla na lang silang natumba lahat.

Mateo and I decided to leave the place. Tutal hindi rin naman ito ang tamang lugar. I told him to follow me instead. A few minutes later, we arrived at the right place. At kagaya ng dati ay wala pa ring pinagbago ang paligid ng Golden Palace. Nag-uumapaw pa rin ito sa kasosyalan at eleganteng mga tao. Iba't ibang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas lulan ang mga personalidad na akalaing mga artista sa gara ng suot at kahali-halinang mga ganda.

I knew from the very beginning that those girls did not seem to belong with the Golden Palace's atmosphere. Pero wala naman kasi 'yan sa kung nababagay sila sa lugar. Anyone can enter the Golden Palace as long as they have someone powerful and wealthy with them. At madalas sa mga mayayaman dito ay may not-so-elegant hobby. One of those is gangb*ng. May iba nga na mahilig sa mas kinky pa na mga activities like BDSM and role play. Money can buy anything after all, even the dirtiest kinks.

Akala namin ni Mateo ay tumigil na sa pagsunod sa amin ang dalawang babae. But as soon as we stepped in front of the club's door, two voices began to scream.

"Sabi ko na nga ba! Kaya ka pamilyar kasi suki ka rin ng lugar na ito, no?"

Hindi tumigil ang dalawang babae. Sinundot-sundot pa ng isa ang dibdib ko habang nagpapa-cute.

"Good evening, sir." Bati sa akin ng bouncer ng lugar. "Table for four?"

Napatingin ako sa likod ko. Mukha bang kasama namin itong dalawang 'to? Tsk. They are acting friendly as if we really came together.

Umiling-iling ako. Ni hindi ko na kailangan na mag-alinlangan sa isasagot sa lalaki.

"No, it's just me and this man here."

"Aaw! Mister!" pag-iinarte ng babaeng naka-halter.

"Sigurado ka na ba d'yan? Baka kailangan niyo ng kasama!" They keep on insisting. Hindi ko sila nilingon o kinausap. Inilabas ko lang ang golden card ko para makapasok na.

Good thing ay hindi ko pa ito tinapon. Sinenyasan lang ako ng lalaki na pumasok pagkatapos na i-scan ang QR code ng card.

"Hoy! Hoy! Ano ba! Isama niyo kami!" Pagsisisigaw ng dalawang babae.

I don't know what they are doing. Hindi rin kasi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok. I don't want to be associated with them. I am in the middle of a mission after all. Hindi kami pwedeng umagaw ng atensyon. Even Mateo had to transform para lang hindi siya mamukhaan ng mga bampira na malamang ay umaaligid lang sa abalang kalsada ng red light distric.

"Sir?" salubong sa amin ng isa na namang staff. He's stretching his hands out. With this gesture ay alam ko na agad kung ano ang ibig sabihin nito. Ibinigay ko ulit ang golden card ko. Tinitigan niya lang ito bago ibinalik ulit sa akin. "You can still avail a room in the VVIP area, sir. Would you like to have it? We can check for vacancies."

Taming the VampireWhere stories live. Discover now