CHAPTER NINETEEN

14 0 0
                                    

* * *

"The Supreme is waiting for you, Gerald," pagpapaalam ni Axel sa kanang kamay ng leader ng mga alpha vampire.

Mansyon na dalawang beses ang laki ng kay Axel at may halos dalawang ektaryang bakanteng lupain sa likod na siyang pinag-eensayuhan ng kanilang mga alpha vampires. Ito Ang tawag sa mga mandirigma nilang mga bampira.

Hindi kagaya ng mansyon ni Axel na maliwanag at malungkot, ang mansyon na ito ay malaki at nakakatakot. Napuno ng itim na tinta ang paligid at mapupulang rosas na tila ba nalalanta na. Imbes na puting ilaw ay dilaw ang kanilang gamit na mistulang apoy na ginto. May tatlong palapag ang mansyon. Mula una hanggang ikalawang palapag ay ang lugar para sa lahat. Habang ang ikatlo naman ay ang palapag para sa silid at opisina ng kanilang pinuno na kung tawagin ay Supreme. Nasa ikatlong palapag din ang opisina ng lider ng mga alpha vampire na si Mateo at ang opisina ng kalihim ng Supreme na si Axel.

Oo. Sa kabila ng kanyang walang pag-aalinlangan na karakter sa unibersidad at ang kanyang young master na dating, sa katunayan si Axel ay may seryoso at masipag na ugali sa likod ng kanyang maskara. Nirerespeto siya ng lahat dahil sa kanyang matibay na paniniwala sa mga orihinal na bampira at sa taglay niyang talino. Isa rin siya sa mga mataas na ranggo na beta vampires. Ang mga bampirang hindi man biniyayaan ng taglay na lakas ay tiyak na nangunguna naman pagdating sa ibang larangan.

Sa loob ng vampire society, laging nakasuot ng puting suit si Axel na may pulang panyo sa dibdib. Siya ay may magandang mahabang buhok na nakatali sa isang maluwag na ponytail. Matuwid at matatag ang kanyang tindig, suot niya ang seryosong mukha at mga mata na parang inaantok na akalain ay nanghuhusga.

Isang higanteng pinto at malawak na hilera ng estante ng libro. Ito ang makikita sa loob ng silid ng Supreme. Nasa dulo ang lamesa ng kanilang pinuno, at kung magsisimula sa pinto ay aabutin ng halos limang minuto ang lalakarin ng mga papasok dahil sa layo nito. Ngunit dahil hindi mga ordinaryong nilalang ang mga naninirahan sa mansyon na ito, halos isang segundo lang ang gugulin nila para marating ang lamesa ng Supreme. Ang kailangan lang nilang gawin ay ang mag-teleport.

Kaya naman nang mahatid na ni Axel si Gerald sa kinaroroonan ng Supreme ay kaagad na siyang umalis.

"He is checking a book on the second floor. Wait for him for a sec and he will be back soon," saad niya kay Gerald.

Nang nasa labas na ulit ng silid ay sinilip ni Axel ang kanyang orasan.

Alas siyete pa. Masyado pang maaga para umuwi pero dahil sa tapos na ang kanyang trabaho sa mansyon para sa araw na ito ay nais n na niyang magpahinga.

"Oh, yes. I am not practically alone anymore," sabi niya sa sarili nang maalala na kasama na niya sa bahay si Miller.

Halos isang linggo rin ang ginugol ng mortal bago tuluyang nakalipat sa bahay ng bampira. Isang buong araw itong pinag-isipan ni Miller, at kinabukasan ay una niyang inilipat ang kanyang mga damit. Sunod ay ang kanyang mga gamit sa eskwelahan, at sa pangatlong araw ay ang ilan pa niyang gamit na sa palagay niya ay kakailanganin niya rin. Pero dahil alam niya na temporaryo lang ang kasunduan na ito ay humingi siya ng pabor at nagdagdag ng isa pang kondisyon sa kontrata nila.

1. Starting Monday (**/**/20**), Mr. Miller De Leon shall live with Mr. Axel Wesley.

2. Mr. Axel Wesley must raise the monetary rate (per blood-sucking) by 10% starting Monday (**/**/20**).

3. The contract will be terminated after Mr. Miller De Leon pays his debts and shows no signs of vampirization symptoms.

4. Mr. Axel Wesley must allow Mr. Miller De Leon to visit his home on the weekends.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jan 31 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Taming the VampireOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz