CHAPTER EIGHTY

5 1 0
                                        

* * *

Mabilis na napasok ng grupo ni Mateo ang warehouse. Hindi man sila makapag-teleport dahil unang beses pa lang nila sa lugar na ito, ay hindi naman ito naging hadlang sanhi ng mga maliit na bantay sa warehouse.

Inaasahan ni Mateo na nasa higit sampung bantay ang nandito. Pero nagulat sila na tatlo lang ang nandito ngayon. Sinuwerte pa sila na wala sa kulungan ang atensyon ng mga ito.

Tila ba abala sila sa paglilinis. May hawak na walis at panlinis na trapo ang isa, nasa kusina naman ang isapa. Habang ang natitira ay nakatayo sa harap ng gate para magbantay kahit na wala rin naman itong silbi dahil madali lang akyatin para sa mga bampira ang matayog na pader sa likod.

Hindi rin nagtagal ay nahanap nila ang kulungan. 'Di rin naman ito ang kauna-unahang raid ni Mateo kaya pamilyar na siya sa disenyo ng mga kulungan ng mga kampon ni Ronaldo.

Sa unang tingin ay aakalain na isa lang itong normal na pinto. Pero dahil sa naka-pwesto ito sa dulo o kaya sa pinakatagong bahagi ng lugar ay mabils itong pinagsususpetsahan nila Mateo na kulungan. Sa bilang na sampu ay siyam na beses nang tama ang kanilang hinala.

"When it comes to hiding important things, Ronaldo's henchmen are too cliché," sabi pa ni Mateo nang mahanap na nila ang kulungan ng mga vampirized.

Malapit lang ito kung saan pumasok sila Mateo nang sila ay dumating. Kaso isang malawak na parking lot nga lang ang nasa gitna ng pader at ng pinto ng kulungan. Ito ang dahilan kaya naman nang may dumating ay nahirapan silang lumabas agad.

"Oh, sh*t! That guy's back?" mura ni Mateo nang makita ang mukha ng lalaking alpha na lulan ng mamahaling van.

Napalingon sa kanya si Miller na nasa masikip na pagitan ng bukas na pinto nakasilip. Sa bintana nagmamasid si Mateo kaya mas malinaw ang tanaw niya sa malayo.

"Ah! Master," bulalas naman ng isa sa mga kasama nila na katabi lang ni Mateo.

"Buhay pa pala 'yan? Akala ko tuluyan na 'yang naglaho," sambit naman ni Leo.

Napansin naman ni Miller ang pagka-alarma ng iba pa nilang mga kasama. Mukhang kilala ng lahat kung sino ang lalaki sa labas.

Inusisa ni Miller kung ayos lang ba kung magtatanong siya kung sino ang lalaki. Naaamoy niya na isa itong alpha, pero alam niya na hindi lang ito ang dahilan kung bakit naalarma ang kanyang mga kasama.

Napansin naman ito ni Mateo at agad na pinaliwanag kay Miller kung sino ang lalaki.

"He is Logan. Another young master of a clan. Just like me, he is not yet a clan leader... not officially. He's just a proxy since his father isn't in the country."

Dahil dito ay ngayon lang ulit naalala ni Miller na hindi nga pala isang clan leader si Mateo. Pero dahil sa taas ng respeto ng mga tauhan niya sa kanya ay nagmistulan bang nasa mataas na siyang ranggo. Napaisip tuloy siya kung ganito rin ba ang lalaking natatanaw niya ngayon sa labas.

"Hindi talaga ako pwedeng magpa-kampante sa mga ito. Hindi nakabase sa ranggo nila sa clan ang kanilang lakas. It's a personal matter. Kung malakas ka, malakas ka talaga."

"Ano na ang gagawin natin, master?" tanong ng isa sa kanilang mga kasama.

"That guy is not an easy enemy, and it seems that he took over Bernard's leadership in this place. I'm not longer surprised since they are just at the same level..."

Saglit na nagkwento si Mateo tungkol sa bampirang nagbibigay ng utos sa mga tauhan niya sa labas. Nakwento niya na magaling sa hipnotismo si Logan. Isa siyang alpha, pero hindi siya gaanong magaling sa pakikipaglaban kung ikukumpara kay Bernard. Pero kung bakit at paano sila naging magkasing-lebel ay dahil sa kanyang malakas na isipan.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now