CHAPTER THIRTEEN

4 0 0
                                    

M I L L E R

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na buhatin papasok ng boarding house ko si Axel. With the amount of bleeding he is having tumulo na sa sahig ng pintuan ko ang dugo niya. Nagmadali akong ihiga siya sa kama saka bumalik sa labas para punasan ang pulang likido. Baka kasi may makakita pa at kung ano pa ang isipin.

Pagkatapos ng saglit kong paglilinis ay binalikan ko na si Axel sa kama. Hindi pa rin siya nagigising at tila ba hindi humihilom ang mga sugat niya. Hindi kagaya ng gabing 'yun ay mas maputla ngayon ang mukha ng lalaking ito. Tagaktak din ang pawis sa kanyang noo at maya't maya siya kung umubo. His situation is worse than before.

"Haa... Ngh!" Eto na naman siya sa mga masakit niyang pag-ungol.

I quickly grabbed a glass of water the moment I noticed his eyes opening. Tumakbo ako ng kusina at kaagad din na bumalik sa kama.

With his eyes half open, Axel is obviously delirious. Mabilis itong gumagalaw, kaliwa at kanan, at saka paitaas. Kapos din ang kanyang pag-hinga na para bang naglalakad siya at may malaking pasanin sa kanyang likod.

Pulang-pula ang puti kong bedsheet na sa pagkaka-alala ko ay kakapalit ko lang noong pumunta ang isa sa mga regular ko sa bahay, ang gabi ng failed extra service. Marami rin kasing dugo sa katawan si Axel noong gabi na natagpuan ko siya sa eskinita. Natuyo pa nga ito roon sa bedsheet kaya kailangan ko itong ibabad at labhan ng mabuti. Nasa baba ang laundromat ng boarding house na ito. At dahil hindi lang ako ang mag-isa sa loob ay may nakapansin sa natuyong mantsa ng dugo sa bedsheet ko.

"Dinugo ba ang kasama mo kagabi?" tanong ng kasabay ko sa akin. Of course, hindi ako sumagot but the fact that someone noticed it at ganun kaagad ang naisip niya. I must say that I really do have a bad reputation in this building.

"I guess I have to throw this away after." Napakarami na rin kasi ng dugo.

"Hey, you need to drink water!" sambit ko kay Axel nang makita kong nakadilat na siya.

Pero kumunot lang ang kanyang kilay tapos ay hinawi ang baso sa kamay ko na tila ba naaasiwa siya sa boses ko. Maingat din siyang tumalikod. He curls his body as if he has something to protect between his belly.

"Com... on... I-I ... ha– to... heal... fast." May binubulong siya pero sanhi siguro ng mabigat niyang paghinga at sakit ng kanyang katawan ay hindi niya ito masabi ng maayos.

Okay. Something is really happening. Bigla na lang kasing naghilom ang pasa sa likod ng kanyang binti. Habang unti-unti naman na naglalaho ang isa sa mga kalmot sa hita niya. Umabot kasi ito hanggang likod kaya nakita ko ang pagsara nito.

"Agh!" biglaan na pag-sigaw ni Axel.

Tumayo ako sa kama at humakbang ng isang beses. "What... What is it now?" Ano na naman kaya ang gagawin niya? Ano na naman ang mangyayari?

Bumalikwas na naman siya at humarap sa akin. Nang magawa na ito ay dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa kama. His eyes are still closed but I bet he is conscious now... maybe.

Bigla na lang niya kasing iminulat ulit ang kanyang mga mata ngunit imbes na siya ay magising ay nagmistulan lang na walang buhay ang mga ito. Ang mas nakakatakot pa ay nag-kulay pula na naman ang mga mata niya. At nagsi-tubo na ulit ang kanyang mga pangil.

"Haa... haa..."

Looking at him now, he seems like a hungry animal. Pero hindi siya nakatitig sa akin kung hindi sa kawalan. Diretso lang ang kanyang mga tingin at blangko pa rin.

"Axel," tawag ko sa kanya. Nagbabakasakali na magising siya. Baka kasi ano pa ang mangyari sa akin kung lumala ang nangyayari. Baka makalimutan niya kung sino ako at masaktan pa niya ako.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now