M I L L E R
"It's nice walking with you, Miller," biglaang sabi sa akin ni Axel.
He's just right beside me, literally walking side by side. Tapos na kaming kumain at bumalik na nga sa paglilibot.
Nagbago bigla ang hangin sa palibot naming dalawa pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon. Although he is still shy and blushes from time to time, Axel stopped hesitating to approach me. Hindi na niya binabalik ang kamay niya sa tuwing sinusubukan niyang abutin ang akin. He also started to become a little chatty than earlier before we had a talk.
Masaya ako dahil sa wakas ay bukas na si Axel sa akin.
Akala ko kasi ay maaayos na namin ang pagkakaiba namin sa isang usapan lang. Hindi ko rin inaasahan that he has more in his mind. Inaakala ko pa nga na hihiwalayan na niya ako. I'm glad he talked and explained his side to me.
"Look, there's a playground over there." He exclaimed when he saw a swing with a couple of kids playing. Sa hindi kalayuan ay may mga cottages kung saan ay pami-pamilya ang nasa loob.
"That seems fun."
"Yes... But we're far too old for that." Agad din naman niya akong hinila para umupo sa isa sa mga benches. Those were just across the playground.
We just occupied a seat and watched the kids playing. Bouncing and swinging. May iba na dumudulas pa sa bilog at paikot-ikot na slides. Sa bawat sandali ay nadadagdagan ang mga ito at umiingay na rin ang paligid ng playground dahil sa masasayang tawa at sigaw nila.
As we watched Axel was the first one to speak.
He said, "It's nice doing these simple things with you..." He seems to be thinking out loud. Pero parang sinasadya niya naman ito na marinig ko.
Lumingon siya sa akin. Tapos ay ngumiti na rin siya ng pagkatamis-tamis. Kasabay ng maliwanag niyang ngiti ay ang mala rosas naman na tinta sa kanyang mga pisngi.
Aww. He's shy. Pero nilalabanan niya ang hiya. Kinakaya niya. All for the sake of expressing his heart to me.
Kung ganito ba naman ka divine ang nasa harapan ko araw-araw, paano ko pa kaya mapipigilan ang sarili ko?
"Yeah... I wanna touch this person more..." Ah—
"What?"
Uhm...
Oh. Sh*t! Did... Did I just utter that out loud? Did I just say I want to touch him with my lips instead of my head?
I bet my eyes are widened from my surprise now.
I bet I look like a foolish pervert who just got exposed to his crime.
Ah! Sa dami-dami ng pagkakataon na pwedeng magpakatanga, ngayon pa talaga.
"Miller?"
Nakaharap pa rin sa akin si Axel. Gulat pa rin siya at nakasulat sa buong mukha niya ang salitang nalilito na para bang permanent pentel pen ang gamit.
I sighed. "I—Please forget what you just heard. Kung saan-saan na naman lumulutang ang isipan ko. Pasensya n—"
"No." Axel firmly replied. Tapos ay sumandal siya habang nakatingin sa malayo. He clasped both his hands, tapos ay parehong nakataas ang dalawa niyang mahahabang hinlalaki at na tila ba sinasayaw ang isa't isa.
Minamasdan ko lang ang mga galaw niya. Hindi siya nagsasalita at malayo pa rin ang tingin.
For a second, naisip ko na baka bumalik na naman ang pagkailang niya sa akin. I thought he was taken aback by my sudden perversion. Pero matapos ang ilang sandali ay ibinuka na ulit ni Axel ang kanyang bibig.

YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...