* * *
Isang linggo na ang lumipas simula noong nasaksak si Axel. Isang linggo na rin siyang nakahiga sa kama ng walang malay. Araw-araw siya kung bisitahin ni Miller sa munting clinic sa loob ng laboratoryo ng Red Mansion. At ngayon na naghilom na ang mga sugat nito sa katawan ay pumayag ang mga doktor ng mansyon na ilipat si Axel sa silid nila ni Miller.
"Maayos na ang kanyang kalagayan. Wala na ring bukas na sugat sa kanyang katawan. Kaya kung gusto mo... pwede namin na iusog si Master para maaari pa rin kayong magtabi," suhestiyon sa kanya ng isa sa tatlong doktor na miyembro ng clan ni Axel.
Hindi na nagulat si Miller sa kakaiba na suhestiyon na ito dahil alam niya na sinusunod lamang ng doktor ang bagay na sa tingin nito ay sasang-ayon ang kanyang master. Hindi na sikreto sa mga miyembro ng clan ni Axel ang relasyon nila. Ngunit hindi pa rin naman nagbabago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. May respeto sila kay Miller bilang isang indibidwal, pero hindi siya kinatatakutan at sinusunod. Isa pa rin siyang vampirized na nagkataon na minahal ng kanilang pinuno.
"Hindi na. Doon na lang ako matutulog," tinuro ni Miller ang silid na nasa likod ng pader, "Gusto ko rin na makapag-pahinga siya ng maigi para maging mas mabilis ang kanyang paggising."
Tumango lang din ang doktor at hindi na kinuwestyon pa ang desisyon ni Miller. Nagpatuloy na siya sa pag-aayos ng mga equipment at apparatus na inilipat sa silid. Pumasok naman si Miller sa maliit na kuwarto para ayusin din ang kanyang magiging pansamantalang higaan. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli siyang natulog dito.
Kalahating oras ang lumipas ay halos sabay na natapos si Miller, ang doktor at ang mga kasama nito. Umalis na sila at hinayaan na mapag-isa ang dalawa.
Umupo si Miller sa tabi ng bintana. Binalikan niya ang naudlot niyang trabaho kanina – ang pagsusulat ng kanyang thesis paper.
Sa kabila ng halos walang humpay na gawain niya bilang bampira ay hindi pa rin huminto sa pag-aaral si Miller. Sa kasalukuyan ay si Kristoff ang pumalit sa kanya bilang si Miller sa unibersidad, ngunit hangga't sa maaari ay nais niyang siya na ang gumawa ng mga gawain niya.
"Doing this in a vampire's mansion is just so unfitting..." buntong-hininga ni Miller.
Tila ba hindi angkop ang ginagawa niyang college requirement sa hangin na pumapalibot sa buong establisyemento.
Patuloy pa rin siya sa pagtipa at patapos na nang may kumatok sa kanilang silid. Nahinto siya at agad na tumayo habang pinapanood ang unti-unting pagbukas ng pinto.
"Miller," ani ng pumasok.
Nakahinga naman ng malalim si Miller nang makita na si Mateo lang ito.
"Akala ko ibang tao," may halong ginhawa niyang sabi sa sarili. Akala niya kasi ay isa na namang doktor ang kumatok.
Mukhang hindi pa rin pala nagbabago ang kanyang personalidad, hindi pa rin siya kumportable sa mga estranghero. Ayaw niya pa rin na makipag-salamuha ng matagal sa iba.
"What are you doing?"
"University papers."
"You're still doing that? I thought Kristoff attended it for you."
Umiling-iling si Miller. "Oo. Pero wala naman siyang alam sa mga pinag-aralan ko ng halos apat na taon. He can't do this by himself."
"You're right," maikli nitong pagsang-ayon saka tinitigan si Axel at ang buong set up ng kama nito. "They brought these all here? I thought he's doing well?"
"They said he'll need a blood transfusion every now and then. Para daw sa pagkain niya."
"Oh... You're doing your best for him, huh," banggit ni Mateo. Nakita niya kasi ang biglang pagpungay ng mga mata ni Miller nang tumitig ito sa mukha ni Axel.

YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...