M I L L E R
As soon as I sent him the reply asking when we will meet, the anonymous number immediately responded wanting to meet on a Sunday night. In a fancy restaurant at dinner time.
Judgmental na kung judgmental, akala ko na magkikita kami sa isang normal na restaurant lang o kaya sa isang parke. Ang mas malala pa nga ay naisip ko na posible rin na magkita kami sa isang bodega. Sa isang madilim at tagong lugar.
Yes, I find my own father untrustworthy to the point na iniisip ko na kaya niya akong gawan ng masama. Nakaya nga niyang iwanan sa akin ang milyon-milyon niyang pagkakautang.
Sa saglit na sandali ay kung saan-saan na napunta ang isipan ko. Hindi pa nga ako nakakarating sa mismong restaurant ay para bang gusto ko ng umatras. Konting negatibong marka lang ay pwede kong paikutin ang taxi na sinasakyan ko at pabalikin sa Red Mansion.
Pero maaalala ko na naman ang pangako ko kay Axel na tatapusin ko na ang gusot ko kay Dad. I wanted us to be free from each other. Me, for my hatred towards him. And Dad, for giving him a chance to clear his name to me. Well, in other words, gusto ko lang talaga malagay sa tahimik. Mom kept telling me na umalis si Dad para makabawi, gusto ko lang makita kung nakabawi nga ba talaga siya. And if, he failed to do it, ayos lang din naman. But I won't be able to forgive him.
As expected of a fancy restaurant. The place was packed with a luxurious aura. Sa entrance pa lang ay may nakaabang ng host. He greeted me with a smile, wearing his black simple tuxedo, he placed his hand on top of the book on the table.
"Good day, sir. Do you have a reservation under whose name, sir?"
I am a little bit feeling uneasy. Sinabihan na ako sa text na magsuot ng maayos na kasuotan but I was not informed that the place is this fancy.
Maliban sa naka-tuxedo na host ay may magandang pares din ng kasuotan ang mga waiters. It's the typical black and white suit, but their respectable manner and their great skills of serving the guest is what makes their aura high quality compared to the other restaurant. Truly, a place to be fancied about.
Maliwanag din ang loob dahil sa mala diyamante nilang chandelier at ginintuan na mga upuan. Even the fabric of their tables is gold silk also. The place has a spacious area where tables are at least one meter apart from each other. Maybe this is to ensure that they can still have their privacy even if in a crowded place.
Kung ganito na kagara ang common area nila, ano pa kaya ang meron sa VIP area?
"Uhm, sir?"
Naunsyami ang pagmamasid ko sa loob nang tawagin ulit ako ng host.
"Excuse me, sir. Would you mind?" Narinig ko naman ang mga kataga na ito matapos na may tumikhim sa likuran ko.
At nang saglit akong lumingon ay nakita ko ang apat pang tao na naghihintay.
May pila na pala, hindi ko namalayan. At mukhang nagmamadali silang lahat.
Nag-aalinlangan pa rin ako, yet I cannot let these people wait. So, without even thinking thoroughly, I uttered my father's name.
"Jeoffrey De Leon... A reservation under, Jeoffrey De Leon."
The moment Dad's name left my lips, I suddenly thought, what if I got to the wrong place?
Kasi baka hindi afford ni Dad ang lugar na ito. Well, before, when I was in high school, I am sure na makakaya niya na kumain sa lugar na ito. But now, if he got unlucky again... I don't know.
Masyadong negatibo ang pag-iisip ko pagdating kay Dad.
"Ah, Sir De Leon. Of course, of course." Kumaway ang host at may lalaking pumalit sa kanya sa kinatatayuan niya.

YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...