Cubao Station ( one shot )

3.7K 18 2
                                    


Heto na naman ako

Nag-aabang ng bago sa istorya ko


Paulit-ulit na lang


Paulit-ulit na lang


*****

Heto na naman ako


Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko


Parang walang katapusan


Walang katapusan...


*****

napatingin ako sa oras sa selpon ko - habang naka headset at nakikinig ng musika - pasado alas diez na naman ng gabi - sakto at umabot ako sa huling byahe ng MRT mula taft avenue - pauwi pa ako sa QC malamang alas dose na naman ako darating sa bahay nito.. sa isip isip ko.. 

-

-

buti nalang at bakante ang pinaka dulong upuan malapit sa hawakang bakal kaya napasandal ako at makakaidlip - pagod na pagod ako galing sa duty sa call center - mid shift ako kaya naman alas dos ng hapon ang pasok ko hanggang alas onse ng gabe. 

-

-

madalas ay nakikipag takbuhan at habulan makaabot lang sa huling byahe ng MRT - patuloy ako sa pag iisip hindi ko namalayang naka idlip na pala ako - at naalimpungatan nalang dahil nababangga na pala ako dahil na din sa bugso ng mga papasok ng tao sa babon...

-

-

"dahan dahan naman po!" aniya ko sa mga walang pakielam na pasahero - sakto namang nadaanan ng mata ko ang isang may edad na na babae - naawa naman ako dahil halos katapat ko siya ay inalok ko na sa kanya ang upuan ko at ako na ang tumayo..

-

-

kumapit ako sa hawakan sa may ulunan ko at pilit isinandal ang ulo ko sa braso ko at sumubok ulit maidlip... pero sadyang malapit ang station ng tren sa isat isa ilang minuto lang ang pagitan kaya muli na naman akong nagising dahil na din sa announcement ng operator ng tren... 

-

-

"guadalupe station!" rinig ko.. napatingin ako sa listahan ng mga station sa taas ng tren na sa halos araw araw kong pagsakay ay hindi ko makabisado... dahil sa muling bugso ng papalabas na tao ay naitulak ako nito sa pinakadulo ng tren malapit sa pinto - sumabay naman na ako sa antas lalo na't ilang station nalang ay pababa na ako.. 

-

-

masikip pa din sa loob ng tren kahit pa last trip na ito - siguro dahil lunes at malapit na din ang holidays kaya busy ang mga tao..

-

-

pagdating ng shaw boulevard lalong dumami ang sakay ng tren at halos magdikit dikit na ang aming mga katawan...napatitig ako doon sa lalaking matangkad - halos mapatingala ako dahil sobrang lapit niya saakin..

-

-

nakamask at kapuna puna ang kaputian at pagkasingkit nito... umayos ako ng tindig at tayo - nakakahiya naman kung mukha akong losyang lalo na't halos magdikit ang mukha namin ni kuya pogi. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now