Bagyong Binggoy - 4

541 9 0
                                    

-

-

nagdaan ang mga araw at tuluyan ng nakalabas ng pilipinas si bagyong binggoy - kalmado na ang paligid at tuyo na din ang mga kalsada. 

-

araw ng byernes tyempo huling araw ni james sa trabaho - alas sais ng umaga bumaba ito sa trycicle galing sa pang gabing shift sa isang call center sa bayan na tyempuhan niya ang kapatid na si patrick sa tapat ng gate nila at nags-selpon.

-

"hoy patrick, anong oras na bat hindi ka pa gumayak at baka mahuli ka sa klase" puna nito sa kapatid na bihis na bihis na at papasok na sa skwela pang umaga kasi ito at kasalukuyang nasa grade 12. 

-

"inaantay ko lang si binggoy kuya, sabay kasi kame napasok" paliwanag naman ni patrick "sakto ayan na pala" napalingon si james sa papalapit na si binggoy - ngumiti ito tapos kumindat sa kanya, agad namang iniwasan ni james ang mga sulyap ni binggoy dahil kaharap nila ang kapatid na si patrick. 

-

"dito na kami kuya" paalam ng kapatid. 

-

"kuya james dito na po kame" hindi naman nagpatalo ang pilyong si binggoy tapos muling kinindatan si james - tinignan naman ito ng masama ni james bago tuluyang tumalikod at humarap sa gate para buksan ito. 

-

"loko loko talaga" wika ni james sa sarili dahil sa inasta ni binggoy. 

-

naging normal naman ang araw ni james, typical na call center - matapos mag almusal e' nag linis ng katawan at nahiga na sa kama hanggang sa makatulog.


**********


halos pa gabi na ng muling magising si james, lumabas ito ng silid at nadatnan na ang ina na nag hahain sa lamesa para sa hapunan "anong ulam ma?" 

-

"nag gisa lang ako ng sayote saka pritong isda, maupo ka na riyan at dalawa lang naman tayong kakain - wala pa si kuya bernie mo nasa maynila pa din - si patrick naman pauwi palang galing sa skwela" nasa kalagitnaan pa man sila ng pag uusap nang marinig na sila sa patrick sa may pintuan "maaaaaaa andito na po ako" sabay na napalingon ang mag ina "speaking of the devil" ani ni james sa sarili. 

-

"sakto, maupo ka na dito at kakain na" wika ng ina nila james at patrick. 

-

"maaaa sabado bukas pwede ba pumunta ang mga tropa?" biglaang singit ni patrick, ginagamit na naman ang pagkabunso niya at nagpapakyut sa ina. 

-

"haynako patrick ha, lasingan na naman yan diba nag lasing lang kayo nung nakaraang araw, bulagta pa nga kayo diyan sa sala e" 

-

"sabado naman bukas ma, walang pasok" napairap nalang talaga si james, sa kanila kasing tatlo e' itong si patrick ang madaming barkada - hindi katulad niya at ni kuya bernie nila na hindi naman nahilig sa barkada at inuman. 

-

"wag mong ipilit patrick, bukas ang dating nila kuya bernie mo galing maynila - kapapanganak ni ate tessie mo diba? paano makakapag pahingga pati yung bata kung mag iinuman kayo dito sa bahay?" litanya ng nanay nila. 

-

sumimangot si patrick at tila ba na dismaya pero agad din nagliwanag ang mukha nito at napatingin kay james "kuya james sa kwarto mo nalang tayo mag inom - para di masyado marinig dito sa labas yung ingay" 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now