Hada' Series Presents : Ang Lihim ni Tito Larry (1)

876 14 0
                                    


-

-

Maaga akong namulat sa systema ng buhay - sa hirap - sa pagtatrabaho - at sa pagawa ng paraan para maka-survive sa napaka unfair at napaka damot na mundo. Maaga akong naulila dahil yung mama at papa ko na kasama ko sa buhay ay nasawi kamakailan lang dahil sa isang aksidente. 

-

driver ng truck ang tatay ko nagde-deliver ng mga gulay at prutas mula dito sa bulacan papunta sa kung saan saan sa maynila. Pahinante naman ang kuya ko - at ang nanay ko naman eh tindera at katiwala ng mga magsasaka kaya palagi silang magkakasamang tatlo - sakay sakay ng truck - mula delivery hanggang sa pakikipag negosasyon - tandem ba, sabi nga ng mga kasama nila. 

-

madalas e' naiiwan ako sa bahay kasama ang nag iisang kapatid ni tatay na si tito larry - high school ako noon at nag aaral kaya siya ang nag aasikaso saakin pagkatapos niya sa koprahan at mag ani ng mga saging na saba - umuuwi siya sa tanghali para pakainin at pagbihisin ako - tapos kapag magdamag ang byahe nila nanay e' siya rin ang kasa-kasama ko sa buhay. 

-

16 ata ako noon, si tito larry naman ay 25 - siyam na taon ang pagitan ng edad namin kaya ganon na lamang din ang respeto ko sa kanya ---  tahimik si tito larry - madalas nag iisa sa bakuran, hinahasa yung itak niya - isang tanong isang sagot din, bibihira mag salita at madalas eh nakatango lang. 

-

hanggang sa dumating yung araw na hinding hindi ko inasahang darating sa buhay ko - nasunog yung truck na binabyahe nila papa - madaling araw yun - natupok sila ng apoy habang natutulog - kasama nung mga dapat e' idi-deliver nilang gulay sa isang bayan kung saan. 

-

nagising akong ulila, at halos balisa dahil sa narinig kong balita - hindi ko alam paano ko bubuhayin ang sarili ko noon - nagsunod sunod pa ang kamalasan ng kopra at ng samahan hanggang sa tuluyan ng nabenta ang lupa at taniman sanhi para paalisin na din kami sa lugar. 

-

isang malaking delubyo at saklob sa buhay ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang taon - kaya heto isang taon ang nakalipas - naiwan kami ni tito larry na magkasama sa buhay - siya ang naging katuwang ko - binuhay niya ako - bilang pagbalik na din siguro sa pag buhay sa kanya ni tatay noon. 

-

madalas e' hirap kami - nakituloy lang kami sa barong barong ng kaibigan niya na dati daw kulungan ng baboy - nilagyan lang namin ng flyhood na harang at kurtina - walang gamit at panay plastik at kahon ang laman kung saan nakalagay ang mga gamit namin. 

-

pinagpatuloy ko ang aking pag aaral at sa kagandahang palad e' graduating na ako sa high school ngayong taon - itinaguyod ko sa pamumulot ng basura at pag extra extra sa palengke at construction. 

-

habang si tito naman eh ganon pa din, napaka simple ng buhay - uuwi siyang may bigas - minsan may manok o ano mang gulay - o kung ano ano pang pwede naming ipangtawid ng tanghalian o hapunan. habang ako naman magsisiga ng kahoy sa likod ng maliit naming barong barong at iluluto yung dala dala ni tito - palaging ganun lang payak na payak - mabuti na nga lang at may mabuting loob na kumupkop saamin dito kahit pa barong barong lang ito, bakante naman daw kasi at wala naman daw gumagamit. 

-

sa gabi e' magkatabi kaming natutulog at pilit pinagkakasya ang aming mga sarili sa kawayang papag - takip ay kumot at trapal panangga sa bawat hangin at ulan. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now