Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 3

851 18 6
                                    

-

-

matapos maipagpag kung karton e' nagbalik na ako sa loob - kakapiraso lang pala yung space na meron sa pagitan ng sofa at center table.. 

-

"sure kang magiging ayos ka diyan ako nalang kaya sa sahig at ikaw nalang sa sofa tutal mas maliit ako" 

-

"hindi wag na ano ka ba sobra sobrang abala na nga sayo e" saad ni danillo. 

-

"ikaw ang bahala"

-

"akina na yang karton at ilalatag ko na" wika pa nito. 

-

habang nag aayos siya ng sapin e' inayos ko naman yung temperature sa aircon ng sala' medyo mainit kasi - patay yan kanina kasi nag iinom at sigarilyo sila kaya binuksan ko para naman umikot ng maayos ang hangin at mawala ang amoy kasi may filter naman yung AC

-

"ito oh sakto naglaba pala si mama may mga kumot na nakasampay sa labas" saad ko matapos muling magtungo sa labas at nangungkit ng ilang kumot'

-

"itong isa kumot mo' ito namang iba e' itupi mo ng kumapal at maging unan" dagdag ko pa. 

-

"bait naman, sana pag dating palang namin e' ganyan ka na kabait" hirit ni danillo. 

-

"sinasabi mo diyan" 

-

"oh hayan nag susungit ka na naman, okay na nga yung bait mo kanina e" dirediretsong saad nito habang pumupwesto na ng higa dahil naayos na ang mga kumot, ako man din sumampa na ako sa sofa at nahiga na.

-

napansin niya ata na magkabaliktaran kami "bakit pa ganyan ka, paano tayo mag uusap niyan" 

-

"mag uusap ba? ako kasi matutulog na e' goodnight" saad ko tapos pinatay ko na yung ilaw - daldal neto no? palibhasa lasing eh' 

-

madilim na noon kasi patay na ang ilaw - hindi kasi ako makakatulog kapag maliwanag - siguro hindi siya mapakali kasi panay kaluskos nung karton eh' hindi ko naman  makita yung ginagawa niya kasi nga madilim. 

-

"julius, gising ka pa?" hindi ako sumagot, ano pa ba ang kailangan ng ugok na ito ayaw pang magpatulog die'z oras na ng gabi e' 

-

"usap muna tayo, di ako makatulog eh pampaantok lang" hindi pa din ako sumagot. 

-

narinig ko siyang nag hikab tapos muling nagsalita "galing mo kumanta kanina ah pang contest e" 

-

sa pagkakataon ito e' nahuli niya yung interest ko kaya naman dinampot ko yung cellphone na bagong bigay ni papa at inilawan siya - medyo nagulat ako na hindi na pala siya nakabaliktad, parehas na kami ng position ang pagkakaiba lang e' nasa lapag siya at ako naman ay nasa sofa - kaya naman pala kumakaluskos yung karton e' 

-

"tyamba lang yun, ano ka ba magpahinga ka na nga di ka ba tinamaan ng alak" inis kong saad' 

-

"ibang tama ata ang meron ako julius e"

-

"anong tama?" 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now