Bagyong Binggoy - 5

686 12 0
                                    


-

-

nanatiling nakatingin si binggoy sa pinto ng kwarto - umiwas lang ito ng matapos ng magsigarilyo si patrick at bumalik na sa tabi nito "pre palit nga tayo, ikaw naman dito di ako makaunat eh' palit nalang tayo ulit mamaya" wika ni binggoy.

-

ang walang kamalay malay naman na si patrick ay para wala lang na nakipag palit ng pwesto. 

-

hanggang sa nakabalik na si junnie, at naupo na din sa inuupuan kanina "oh bat nanjan ka na" bungad ni james ng makalabas ng banyo. 

-

hindi umimik si binggoy, ngumisi lang ito - hindi naman nag dalawang isip si james na maupo dahil alam niyang walang gagawin si binggoy dahil nasa harap ng dalawang barkada e' 

-

nakakailang ikot na ang tagay ng tila ba tinatamaan na si junnie "oh kanino na to" wika ni binggoy "k-kay k-kuya james na" wika naman ng halos utal ng si junnie "gago sakin palang, lasing ka na ata e' ako na nga diyan" 

-

wala nang nagawa pa si junnie kung hindi ipaubayang muli kay binggoy ang pagpapaikot ng tagay. 

-

"oh kuya james sayo na" 

-

"ulol sayo palang - ano ako lasing?" 

-

"luh, katatapos ko nga oh - tignan mo basa pa yung labi ko" wika ni binggoy sabay lapit ng mukha kay james. 

-

si james naman na tinamaan na din ng alak eh inilapit din ang mukha - hindi ata na tantya nito ang layo ng mukha nila sa isat isa ni binggoy kaya hindi rin expected na magtatama ang kanilang mga labi - nanlaki ang mata ni binggoy pero sinalubong parin ang labi ni james. 

-

"hala nagki-" akmang magsasalita sana si junnie na kitang kita ang mga nangyari, pero natigilan ito ng agad na sipain ni binggoy at pinandilatan ito ng mata. 

-

tapos agad na nilingon ni patrick para tignan kung nakita ba nito ang nangyari - mabuti nalang at nakatayo ito sa tapat ng bintana at nakatanaw sa kapit bahay habang humihithit ng sigarilyo - nakahingga naman ng maluwag  si binggoy at ibinalik ang tingin kay junnie. 

-

sinenyasan niya ito na wag mag sasalita - nagpatay malisya naman si junnie - habang si james naman ay umayos ng upo na akala mo wala lang nangyari. 

-

"tagay paaaaa" pagbasag ni junnie sa katahimikan.

-

"hindi ko na kaya pre - susuka na ako - tangina aapat tayo dalawang kwatro kantos? dapat nag tig isa nalang tayo" wika ni patrick.

-

"lakas lakas mo mag yaya e' kalahati na yan oh, ubusin nalang" ani naman ni james. 

-

siguro nakakadalawang ikot palang yung tagay e muli na namang humirit si patrick "ikaw muna binggoy, kunin ko lang charger ko sa kwarto ko" paalam nito. 

-

"sus charger daw, baka diretso tulog yan - bubulabugin ka talaga namin don, madami pa 'to oh - mamaya mo na kami iwan"

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now