Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 9

657 18 2
                                    

-

-

mabilis na lumipas ang mga oras - alam niyo ba sa tatlo o apat na araw na nag daan hindi ko din lubos maisip kung gaano kabilis at karami ang mga pangyayari - hindi ko maiwasang matulala at mapangiti sa hangin habang nandidito sa halamanan sa tapat ng bahay - naghihintay sa pagbabalik nila mama, papa at kuya na sabay sabay nawala. 

-

kailangan ko munang lumabas at magpahangin, alam ko namang pareho kaming bata at mapusok ni kuya danillo pero kakaiba yung kanya, maya maya e' gusto - kaunting dikit eh' hipo -- nagugustuhan ko man eh' kailangan kong magpigil kasi naman baka madatnan kami nila mama at papa lalo na ni kuya, naku po malaking sakuna kapag nagkataon.

-

mabuti ng nandito ako sa labas - safe kasi may mga tambay na tsismosa at mga batang naglalaro - maya maya pa eh dumating na yung mga hinihintay ko - sina mama at papa - may dalang bayong at ilang supot galing sa grocery mukhang nag date ata i mean namalengke. 

-

"oh julius bakit nandito ka sa labas?" ani ni papa. 

-

"kalalabas ko lang po, nagpahangin lang" saad ko naman.

-

"nakabalik na ba ang kuya aldrin mo?" 

-

"hindi pa po tita" wika ni danillo na bigla nalang sumulpot "pero mukhang pabalikna iyon, tulungan ko na po kayo riyan sa mga pinamili niyo" 

-

"sige hijo, pagpalain ka salamat" 

-

mga ilang minuto din ang nakalipas e' dumating na din si kuya - kasalukuyan kaming naghihimay at nag peprepara para sa hapunan nila mama sa kusina. 

-

badtrip ata ang mokong kasi dire-diretso umakyan sa kwarto eh' nilagpasan lang kami nila mama - hindi man lang bumati - nagtinginan kaming apat nila danillo at parang sabay sabay na napatanong "anong nangyari dun" 

-

maya maya eh bumaba din si kuya, medyo kalmado na ang itsura nito at tumabi na saamin sa lamesa -- para bang nag uusap ang tingin naming lahat at tinuturo si papa na kausapin si kuya -- agad namang nakaramdam si papa kaya agad na kinausap si kuya "nak ano nangyari, di ata maganda ang timpla mo" 

-

"wala pa, akala ko kasi nawala yung cellphone ko - kanina pa ako nag aalala eh' nasa kwarto lang pala ni julius" 

-

"ahhh ganun ba, mabuti at nahanap mo na -- ohsiya maghapunan na tayo at sabay sabay na magpahinga -- masyado ng mahaba ang araw" 

-

akala ko naman kung ano ng ikinakatopak nitong kapatid ko, ayun lang pala -- maayos naman at mabilis ang naging hapunan, syempre hindi nawawala ang kwentuhan pero si kuya aldrin eh nananatili pa ding tahimik -- hinayaan na muna namin, baka sobrang kinabahan at inakalang wala na talaga ang selpon niya. 

-

nang matapos kumain e' naiwan ako at si mama na nag liligpit sa kusina habang si kuya aldrin naman, si papa at si kuya danillo e' ayun nag iinom na naman sa sala. 

-

medyo chill pampatulog lang daw, hinayaan na namin ni mama dahil lahat naman kami ay napagod sa masayang kaganapan at kinakailangan mag pahingga. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now