Bagyong Binggoy - 2

717 11 0
                                    



"wala yan, dali na kuya james - ito naman pinapasabik ako lalo" 

-

akmang hahawakan na ni james yung manoy ni binggoy, ang hindi namin alam nang dalawa eh may kanina pa pala silip ng silip na ale mula sa bintana ng kasunod na bahay, napahakbang palayo sa isa't isa ang dalawa, laking gulat nila ng biglang may magsalita

-

"hoy mga utoy - sino kayo at anong ginagawa niyo dito sa aming bakuran" sigaw nung manang na halos mapatid yung litid sa lakas ng sigaw.

-

agad namang humarap si binggoy "ay manang patatawarin ho - inabot kami ng bagyo at walang masilungan - makikisilong ho sana - bantayan nalang namin itong mga biik"

-

"ay ganon ba, tekaaaaaa sandali" ani nung manang - maya maya pa biglang bumukas ang ilaw at pinto sa tapat ng bahay at agad na lumitaw ang ulo ng manang.

-

"utoy tutal nandiyan na  kayo at basa naman na din pwede niyo ba akong tulungan?"

-

"ano po ang gagawin manang?"

-

"itaklob mo lang itong lona diyan sa mga alaga kong biik at baka nilalamig na dahil sa hangin" utos nung manang saka ihinagis saamin yung nakatuping lona na parang flying saucer - isinuot ko yung bag ko para matulungan si binggoy "meron diyang pako - itali niyo lang ng maigi yung lona para hindi liparin - tila naman nakisama yung panahon, panandaliang tumigil ang malakas na hangin pero panay padin ang bugso ng malakas na patak ng ulan.

-

"okay na ho manang"

-

"ay salamat parine nga kayo dito" tawag nung manang saamin habang kumakaway kaway at sinisenyasan kaming lumapit - nagkatinginan si binggoy at si james, tila ba nagkasunod na sumunod sa anyaya nung matanda. 

-

"antayin niyo ako diyan, wag na kayong pumasok kay basa kayong dalwa e' ani nung manang ng makarating ang dalawa sa tapat ng kanyang bahay at panandaliang nakisilong sa tapat ng bahay ng ale - buong pasensiya namang naghintay yung dalawa "ewan ko ba anong ginagawa ko dito, nananahimik ako sa tapat ng tindahan eh" ani ni james sa sarili. 

-

"magkape na muna kayo at malamig ang panahon" saad nung manang, pagkabalik sa dalawa na tahimik na nag aabang sa may pinto ng bahay. 

-

inabutan ng manang sina james at binggoy ng dalawang tasang walang laman, tig isa sina  binggoy at james.

-

tapos dahan dahang iniangat ang hawak na termos akmang sasalinan sana sila ni binggoy ng kape ng agad na mag kusa si binggoy na abutin ang mabigat na termos "ay manang ako na po" ani ni binggoy "kuya james pahawak nga" saad ni binggoy sabay abot kay james nung tasa na para sa kanya.

-

habang hawak ni james  yung dalawang tasa ay binuhusan naman ni binggoy ng kape ang mga ito - tapos muling ibinalik doon sa manang "salamat po" sabay na saad nung dalawa. 

-

"ano ba naman kase ang ginagawa niyo sa kalye, di'es oras ng gab i e' nasa galaan kayo, kayo talagang mga kabataan o' o' - alam niyong may bagyo e' pakalat kalat kayo sa kalye"

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now