Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 4

709 12 0
                                    

-

-

nagising ako kasi nagliwanag na mula doon sa bintana ng aming sala, dahan dahan akong bumangon - bumungad saakin ang tulog na tulog pa din na si dino sa lapag kasunod ng sofa. 

-

kaya naman dahan dahan akong humakbang - kinumutan ko na din paano ba naman parang hinarabas e' nakatihaya' 

-

agad akong nagtungo sa kusina para mag timpla ng mainit na gatas' ilang saglit pa e' matapos makahigop ng ilang beses mula sa tasa ay nakarinig na ako ng mga yapak sa hagdan, unang bumaba si kuya aldrin kasunod yung henry at ashton. 

-

"ang sakit ng ulo ko" bungad ni kuya, halatang bagong gising e' gulo gulo ang buhok tsaka may tuyong laway pa sa gilid ng labi. 

-

"sakto bunso ipagtimpla mo naman ako ng kape oh" 

-

"ayan kasi alak pa" ang pang aasar ko naman. 

-

"dito pala natulog si danillo eh kaya pala wala sa kwarto" wika nung ashton

-

"sino nag ayos niyan diyan julius?" tanong ni kuya saakin 

-

"sino pa bang naiwan kagabi eh bagsak kayo pati sila mama" mataray kong saad na parang ipinamumukha sa kanila yung mga ligpitin nilang naiwan kagabe.

-

"sus baka diyan mo lang talaga pinatulog bunso"

-

"as if namang may choice siya e' nakahambalang kayo kagabi sa buong kwarto - ni hindi nga mabuksan ang pinto e' tignan mo yang pula sa ulo ni kuya ashton - na sapul yan pag tulak ko ng pinto kagabi bat naman kasi sa pinto ka nahiga kuya ashton" wika ko' 

-

"kaya pala masakit ang ulo ko eh sabi na nga bat hindi lang hang over ito" biro ni ashton na siya namang naging pukol ng tawanan nilang tatlo. 

-

maya maya e' bumangon na din si danillo dahil sa ingay ng tawanan "uy sabay niyo naman ako ng kape" wika nito sa dalawang kasama. 

-

"ano pre? kamusta tulog? wala namang gumapang sayo kagabe" bungad nung gunggong kong kuya' pero aaminin ko medyo natigilan ako kasi baka umamin si kuya danillo eh' 

-

"gago ano namang gagapang dito? ipis?" 

-

"malay mo" wika ni kuya na parang may pinapahiwatig 

-

"wala gago' sarap nga ng tulog ko e' salamat pala sa pakumot julius" wika nito sabay pa simpleng kindat at ngiti - gumaan ang dibdib ko e "mga siraulo kasi kayo, bakit niyo hinarangan yung pinto sa kwarto, paano ako papasok?" 

-

"sus sinasadya mo lang ata masolo itong si julius eh" wika na naman nung unggas kong kuya.

-

"kuya!" halos pasigaw at mariin kong saad para sawayin si kuya aldrin. 

-

"biro lang bunso, ohhhhh bakit namumula ka? " 

-

"uumpisahan mo talaga yung araw sa pang aasar mo?" saad ko' 

-

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang