Si Kuya at ang Kanyang mga Besita 1

1.2K 13 0
                                    


-

-

nagising ako dahil sa alarm sa cellphone ko agad akong bumangon at nag unat - pasado alas kwatro na ng umaga - mabilis akong naligo at nag bihis ng sando at pang ilalim na double para sa uniform. eksayted akong papasok ngayong araw, ngayon din kasi ang huling araw ng klase bago ang bakasyon. 

-

medyo inaantok pa nga ako kasi naman medyo late ako natulog kagabi kasi tinapos ko pa yung iilan pang mga kailangan para sa clearance ko - sa wakas college na ako sa susunod na taon - ilang araw nalang din kasi graduation ko na  sa high school - goodbye boy uniform at barbers cut na hair na. 

-

isa kasi sa mga pinaka exayted ako sa college e' pwede mong isuot kahit na anong gusto mo - may freedom din when it comes to haircut - finally makakalaya na ako sa normal school norms and I can finally live my life the way I wanted it to be. 

-

matapos manalamin, magpulbo at mag liptint e pinihit ko na ang doorknob nang makababa na at makapag almusal bago pumasok sa school - saktong pag bukas ko ng pinto eh'  nakarinig ako ng mga boses mula sa baba ng bahay, nasa second floor kasi ang kwarto ko, ginagawa din kasi itong bahay at kasalukuyang pa third floor. 

-

hindi ako maaaring magkamali boses ni kuya iyon - p'pero kalagitnaan palang ng linggo ah hindi ba sa weekend pa ang uwi niya dito saamin - sa quezon city kasi nag aaral ang kuya ko, naka dorm siya sa doon kasi naman mahirap ang byahe kung dito ka saamin mangagaling sa montalban kaya naman minabuti nina mama at papa na doon na siya mag dormitory - which is another reason kung bakit excited ako mag college kasi finally I get to explore na sa labas nitong kinalakihan kong lugar' and I get to live independently. 

-

dahan dahan akong bumaba ng hagdan, at hindi nga ako nag kamali si kuya aldrin nga ang nasa ibaba - boses palang e' alam na alam ko na na ang kuya kong ungas ang nasa ibaba. 

-

"gising ka na pala julius, sakto nakapag init na ako - halika mag gatas ka na para maaga ka maihatid ni papa mo sa school" wika ng butihin kong mama. 

-

"ano ba naman yang suot mo julius hapit na hapit naman, hindi ka ba nahihiya sa mga besita" at doon ko lang din napagtanto na hindi lang pala pamilya ko ang nasa bahay, may mangilan ngilan pa palang besita.

-

pero bakit sila andidito eh pagka-aga-aga sabi ko sa isip ko "malay ko bang may besita, at malay ko bang andito ka?" wika ko sa ungas kong kuya. 

-

"wala ka pala e' taob pala angas mo sa bunso niyo e" rinig kong wika nung isa sa mga besita na nilingon ko at agad din inalisan ng tingin. 

-

"ganyan talaga yang dalaginding namin, medyo mataray nag dadalaga na kasi e" wika ni kuya na may halong pangaasar. 

-

tinapunan ko siya ng masamang tingin at agad sanang babawi sa salita e' tinitigan din ako ng masama ni mama - kasi naman, alam niyang wala na namang katapusang sagutan - isa pa kaharap namin si papa baka masampolan kaming ng hanger pareho. 

-

alam niyo yung typical na panganay at bunso na mag kaaway? ganun na ganun kami ni kuya - hindi kami super close at lalong hindi kami madalas mag usap - palagi kasing naka sita iyan - sa ayos ko, sa suot ko, palaging kontrapelo kaya medyo malayo din siguro ang loob ko sa kanya. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now