Hada' Series Presents : Happy Birthday Dianne! (1)

712 9 0
                                    

-

-

"uy dianne nakita ko yung post mo sa FB ah, happy birthday pala" wika ko ng makasalubong ko si dianne, dito sa eskinita namin habang bumibili ako ng sigarilyo. 

-

"salamat kuya nelson - tara shot" pagyaya naman niya saakin - medyo kasundo ko si dianne lalo na't nasa iisa lang naman kaming eskinita - medyo nasubaybayan ko din ang paglaki niya kasi mas bata yata siya saakin ng pitong taon at isa ako sa mga nakasabayan niyang tumanda dito saaming eskinita - palagi kami nag babatian sa tuwing magkakasalubong. 

-

maganda si dianne - matangos ang ilong at makinis ang balat hindi mo aakalaing taga dito sa eskinita namin e' lalo na kapag nakaayos yan - wag kayong ano' hindi siya ang tipo ko lalong lalo namang hindi kami talo dahil parehong lalaki ang gusto namin. 

-

hindi naman lingid sa mga kapit bahay ang kasarian ko - respetado naman kasi ako at walang bahid ng kahit ano na pwedeng mahusgahan ng mga tao, masasabi kong isa akong magandang example lalo na sa mga pasibol palang na kabataang bading na kung tawagin ko ay mga neneng. 

-

"sige dianne bihis lang ako" 

-

"sus narinig ko na yan di ka na bababa e' tara na diretso na tayo samin" 

-

"gagi wala pa akong ligo at nakayapak ako oh" 

-

"sige, 20 minutes akin na yang selpon mo para sure na susunod ka"

 -

"lah parang tanga yan, susunod nga akoo" 

-

"selpon nga, ito naman si kuya nelson oh minsan lang g na dapat agad" 

-

"oh akala mo talaga, pag ako di mo nalasing ah" biro ko sabay abot nung selpon ko sa kanya. 

-

"bilisan mo na habang may pansit pa doon" ani nito - ganito lang ang birthday'an saamin simpleng handaan hindi rin naman kasi gaanong mayayaman ang mga tao lalo na't sa eskinita lang naman kami nakatira - typical na kumunidad ng mga average na pinoy, ganon. 

-

medyo angat lang kami ng kaunti kasi nakapag pundar na at may kanya kanya na ring trabaho at may maliit pang negosyo si mama.

-

so ayun na nga, wala na akong nagawa - kinuha na yung selpon ko e' kaya agad akong nagtungo sa banyo - nag hilamos - nag sipilyo syempre tapos nagbihis ng komportable - konting pulbo at liptint - ipinusod ko na din yung buhok kong lagpas sa balikat tsaka ako nag tsinelas at tumungo kila dianne. 

-

"eto na yun?" pabiro kong bungad - paano pa naman kase aapat ang besita ni dianne, rinig ko yung malakas na tawa ni dianne dahil sa sinabi ko.

-

"anong gusto mo ya engrande?" tugon nito. 

-

"hindi gaga, ibig kong sabihin - ito na yung besita mo aapat?" 

-

"oo ya kaya nga niyaya kita para sumaya naman - hindi ako nag kumbida wala din kasing budget eh - tama na yung mga close friends lang" 

-

iniikot ko ang mga mata ko habang pinapakilala ni dianne ang mga besita niya - unang una na si princess, bestfriend niya daw nag iisang babae sa inuman, bukod syempre sa may birthday  - namumukhaan ko 'to taga kabilang eskinita 'to e.

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now