Hada' Series Presents : Happy Birthday Dianne! (2)

540 8 0
                                    


-

-

at nagpatuloy ang ikot ng inuman - siraulo itong si anthony tinataasan yung tagay kay dianne at kay jelo - nilalasing ata mga tropa niya para maituloy na yung naudlot kanina eh - awit. 

-

change pwesto na din kami kasi lasing na si dianne inaalalayan ko kasi baka sumuka - bagsak na din si jelo, mahihinang nilalang nga. 

-

so si dianne sa pwesto niya pa din kanina - si jelo naman nakahiga ng diretso sa sofa habang nakapatong yung paa sa tuhod ng isa ring tulog na si makmak sa dulo ng sofa - habang ako nasa tagiliran ni jelo alalay alalay si dianne habang hawak hawak yung balde kung saan sumusuka kasi wasted na e' di namin mapatayo para sa banyo magsuka. 

-

tangina asikaso - isipin niyo nagsisiksikan kaming tatlo sa mahabang sofa habang si anthony naman nakaupo na sa pwesto ko kanina, kayo na ulit bahala mag imagine - basta ganon. 

-

"lasing na yan si dianne, hatid na kaya natin - diyan lang naman bahay niyan eh" tinitigan ko ng masama si anthony, ito naman alam na alam ko balak mo gago sa isip isip ko. 

-

pero napapayag niya din ako kasi asikaso na e' pasyente na si ate - kaya naman nagpaalalay na ako kay anthony - iniwan na muna namin yung dalawang tulog - hinatak ko yung pinto "dahan dahan" kako kasi nasa second floor yung bahay namin paupahan kasi yung dalawang kwarto sa first floor.

-

at ayun na nga buti nalang mabilis kaming pinagbuksan nung kuya ni dianne kaya agad agad niyang binitbit at kinuha ang kapatid - sinilip ko pa nga kung maayos ba nakahiga - naku pag nakita niyo set up sa bahay nila parang mga sardinas - tabi tabing natutulog sa sahig tapos ang init init - inilapag nung kuya niya si dianne sa pwesto nito - tsaka ako nag pasensiya ay nag paalam "ayos lang yan birthday naman niya e' salaman son ah" 

-

"sige ya dito na kami" wika ko. 

-

nang makabalik kami sa bahay e sinabihan ko si anthony na mag bawas na muna ng kalat para maayos ang inuman - hindi pa nga kami nakakapasok eh panay na ang tyansing sa likuran ko - siraulo talaga. 

-

"uubusin pa ba natin 'to? andami pa nito gago" aniya ni anthony "tangina nag uumpisa palang ako tamaan e' humupa pa kasi nagasikaso nga kay dianne - pero kung di mo na kaya sige dito ka nalang matulog sa isang maliit na sofa oh bukas na kayo lumabas niyang mga tropa mo para makapag paalam kayo kay dianne" 

-

"eh ikaw kuya nelson?" ani ni anthony 

"siguro ubusin ko yang isa o dalawa - para masarap tulog ko - dito nalang ako sa lamesa sa kusina manonood nalang akong netflix sa selpon ko sige na magpahingga na kayo at mukhang babyahe pa kayo ng maaga" 

-

"hindi sabayan na kita - dito na tayo yaan nating yang dalawang tulog - mahihina e' wika ni anthony habang inaayos yung pinag iinuman namin kanina.

-

"sabayan sus" ani ko sabay tawa,  hindi ko naman kasi alam na maaga silang tutumba - alas dos palang oh' paano tayo magsusulit ng day off niyan - nagpabili pa akong isang case ng pulang kabayo - isa palang nabubugksan comatose na sila - awit. 

-

naupo ako doon sa pwesto ko kanina, sa tagiliran ni jelo nasa likod ko siya - habang nakasampa pa din yung paa sa tuhod ni makmak. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now