Chapter 17: One Of Her Dreams

294 21 0
                                    

Maingat na tinakpan ni Samantha ang mga baunan na kahapon niya lang din nabili sa Siudad. Pinabaunan niya ang triplets ng kanin at pritong isda. Sa tatlong maliliit na thermos ay may nakalagay na tag-dalawang gayat ng liempo, gulay at sabaw ng pork nilaga.

"Ano 'to, ate?" Kahit na alam na alam naman niyang bagong baunan iyon, hindi pa rin makapaniwala si Samantha. Matagal na siyang nasanay magbaon sa lalagyan ng ice cream na hiningi lang nila sa kapitbahay.

"Well, may nakita akong buy 4 take 1 na baunan kahapon. Assorted ang kulay kaya binili ko na. Nasa first layer ang kanin at nasa second layer ang pritong tilapia. May kanin din actually na kasama 'yung tilapia. Para may pagkain kayo maghapon. Pwede niyong kainin mamayang recess niyo or mamayang hapon since maghapon ang klase niyo. Nandito ang nilaga," itinaas pa ni Samantha ang bagong 750ml na thermos.

Hindi na naglagay ng tubig si Samantha dahil sabi ng mga bata ay may libreng tubig naman daw ang mga ito sa classroom.

"Thank you ate," halos sabay sabay na bulalas ng triplets.

Napatitig sila kay Samantha na nakangiti ng matamis sa kanila.

"Hmmm? Maliit na bagay," nakangiting turan ng dalaga saka sila inabutan naman ng pera. "Pang isang linggo niyo na 'yan. Bahala kayo kung paano niya 'yan gagastusin sa isang linggo. Kung may matitira, itago niyo, ipunin niyo, that's all yours. Kung gusto niyong gastusin, nasa inyo din 'yan. Kung may mga babayaran sa school, bayaran niyo na then tell me kung magkano ang nagastos niyo at babayaran ko dito sa bahay, okay?"

Napakurap-kurap si Arya.

Sa totoo lang, hindi naman siya sintemental na tao pero habang nagtatagal ang interaksyon nilang dalawa ni Samantha parang gusto niyang umiyak palagi. She's so good to them! To the point na pakiramdam ni Arya ay isang napakagandang panaginip lang ng lahat.

"Thank you ate, see you later!" Nakangiting wika ni Arya. Ngumiti si Samantha pabalik.

Magkakasabay na tumalikod ang triplets para lumabas na sa bahay.

Pagtalikod na pagtalikod, hindi na naman mapigilan ni Arya ang pagtulo ng mga luha niya. Lakad-takbo ang ginawa ng dalagita palabas ng gate. Laking pasasalamat niya dahil may huminto kaagad na jeep sa harapan nila. Dali-daling sumakay si Arya. Pinaggitnaan siya ng dalawa niyang kapatid at hinayaan lang siya ng mga ito na umiyak habang nasa byahe sila.


Nararamdaman din nila ang nararamdaman nito. Pero lalaki sila at ang awkward na umiyak sila kagaya ng ginagawa ni Arya.

Napabuntong-hininga si Ariston. Kung noon ay excited siya palagi sa tuwing iniisip na malapit ng umuwi ang kuya nila, ngayon, kinakabahan na siya. Paano kung sa pag-uwi nito, mawala naman si ate Sam?


*****

"Umalis na ba ang mga bata?"

Humarap si Samantha sa nagsalitang mother-in-law. Nakasuot ito slacks pants at long sleeve blouse. The woman looked so elegant and poised. Pakiramdam ni Samantha ng mga oras na iyon, hindi nasayang ang mga pagkaing niluluto at ginagawa niya para sa mga ito. Parang hindi man lang nagkasakit ang ginang.


"You looked good, mom," nakangiting puri ni Samantha.

Nakangiting umikot naman ang ginang sa harapan ni Samantha.

"Hindi pwedeng ubusin namin ang pera mo, Sam. Nagkausap kami ng manager ko kagabi at pareho kaming nag-decide na bumalik sa entertainment industry. May nakuha siyang role at mag-a-audition ako mamayang hapon. Ikaw muna ang bahala sa mga kapatid mo ha,"

The DivorceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin