Chapter 41: Torture And Imaginations

315 24 2
                                    

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nagpaalam na sina Shopkeeper Magtanggol at asawa nito na uuwi. Ganoon din naman ang butihing kapitbahay nila. Naiwanan si Samantha sa lamesa na nakikihalubilo sa mga kabataan dahil sumama si Arem sa mag-asawang Magtanggol in a pretext na hindi nito kayang pauwiin ng sila lang ang mag-asawa. Pero ang totoo ay may emergency meeting ang kanyang kompanya at kailangan niyang gamitin ang computer sa opisina ni Shopkeeper Magtanggol para maka-attend.

"Ate..."

Nakangiting lumingon si Samantha kay Arya.

"Yes?"

"Ate, hindi ba may binili ka na higaan? 'Yung nagiging upuan? Pwede ko po ba hiramin? Kase dito daw matutulog sila Maru at Keana. Maliit lang po 'yung higaan sa kwarto ko eh. Pwede ko bang hiramin 'yun, ate?"

Sandaling nag-isip si Samantha.

Iyon ang ginagamit niyang tulugan sa gabi. Ano na lang ang gagamitin niya mamaya kapag kinuha iyon ni Arya at pinahiram sa kaklase nito?

"Ate..."

But looking at Arya's cute and expectant gaze, paano naman ito magagawang tanggihan ni Samantha?

Bahala na.

"Okay. But you have to return it tomorrow morning pag-alis ng mga kaibigan mo," seryosong wika ni Samantha na sinagot naman ni Arya ng sunod-sunod na pagtango.

"Ate, ikaw naman,"

Napatingin si Samantha sa inaabot na pomelo gin ng isa sa mga kaklase nina Arthur.

Wala si Arem kaya naman pansamantalang sinamahan ni Samantha ang mga ito. Kaya lang ay hindi niya inaasahang mapatagay sa iniinom ng mga kabataan.

In her past life, Samantha never indulge herself with this kind of beverage.

Dahil masarap ang lasa, nakailang shot na siya ng pomelo gin.

Ang buong akala ni Samantha ay hindi talaga siya tatablan noon dahil pakiramdam niya ay juice lang naman ang tinitira nila. Pero habang dumidilim ang paligid ay dumidilim din ng bahagya ang wisyo niya.

"Ate, tama na 'yan. Dumating na si kuya. Magpahinga na po kayong dalawa. Hoy kayo, magsitulog na rin kayo. May pasok pa tayo bukas,"

Kaagad namang tumayo ang mga kaibigan nina Arthur at Ariston. Nagtungo silang lahat sa silid ng dalawa at isa-isang nagsitulog.

Unlike them, Samantha is much more awake.

Nakakunot-noo naman si Arem na nagbabasa ng dokumento sa loob ng kwarto nila gamit ang laptop. Sasabihin na lang niya na hiniram niya iyon kay Shopkeeper Magtanggol.

"Are you drunk?"

Kumurap-kurap ang lasing na si Samantha. Napatitig siya sa lalaking nagsalita. Nang makita niya kung gaano ito kagwapo, kaagad siyang umupo sa tabi nito at walang inhibisyon na tinitigan ito.

"What are you doing?" Arem swallowed hard.

Is this woman seducing him?

Bakit kung makatitig ito ay parang gusto na siyang lamunin ng buo?

"Looking at you!" Mabilis na sagot ni Samantha. Her voice was crisp and sweet.

Her face is flushed red, she looks more bewitching and Arem couldn't help but swallow again.

His throat tightened and he suddenly felt thirsty.

"Go get your bed and sleep!" It took Arem so much energy to control the beast inside. Heaven knows how much he wanted to pin down this drunk woman.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon