Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer

341 24 9
                                    

Maingat na hininto ni Samantha ang kotse sa harapan ng police station. Hindi iyon malaking istasyon na kagaya nang nasa Siudad.

"Want to go with me?" Tanong ni Samantha sa tatlo.

"Sure ate. Sasamahan kita," mabilis na sagot ni Arya.

"Sama din po kami," segunda naman ni Arthur.

"Okay, let's go,"

Mabilis na lumabas ng sasakyan si Samantha. She's wearing a high waist pants. Naka-tuck in ang white floral blouse na suot niya na may balloon sleeves. Nakatali pataas ang kanyang alunang buhok dahil ayaw ni Samantha maabala sa kanyang pagmamaneho. She's wearing a white 3 inches wedge, na lalong nagpatangkad kay Samantha.

Dala-dala ang folder ay binuksan niya ang pintuan ng police station.

Halos lahat ng naroon ay napatingin sa kanya.

"Ahm, good morning po. Nandito po ba si Chief Inspector Silang?" Magalang na tanong ni Samantha sa front counter ng police station.

Hindi kaagad nakasagot ang babaeng police na naroon. Nangingislap ang mga mata nito habang nakatitig kay Samantha. Hindi tuloy mapigilan na makaramdam ng pagkailang ng huli.

"Ah...sino po ulit ang hinahanap niyo Ma'am?" Tanong ng babaeng pulis noong mahimasmasan. Tila ba na-starstruck talaga ito sa bagong dating.

"Si Chief Inspector Silang po. May appointment ako sa kanya,"

Sabay-sabay na sipol at kantyaw ang kasunod na narinig ni Samantha.

Nagtatakang napatingin naman siya sa lahat na ngumiti lang ng buong tamis sa kanya.

What's wrong with these people?

"Maupo po muna kayo dito, Ma'am. Pinapatawag na po si Chief. Ah, gusto niyo po ba ng maiinom? Malamig na tubig? Juice? Kape?" Magalang na tanong pa ulit ng babaeng pulis, na para bang isang panauhing pandangal si Samantha.

"Thank you, pero hindi na po. Katatapos ko lang po mag-tubig," tanggi ni Samantha.

Naba-bother na talaga siya sa ginagawang pagtingin ng mga ito sa kanya. Maging ang triplets ay naging alerto din. Pakiramdam nilang tatlo ay maagaw ang pinakamamahal nilang sister-in-law ano mang oras.

"Appointment? Bakit hindi ko alam na may appointment ako ngayong araw?"

Hindi maitatago sa baritonong tinig na iyon ang iritasyon na nararamdaman.

Magkakasabay na napatingin ang magkakapatid, maging si Samantha sa bagong dating. Sa palagay ni Samantha, hindi nagkakalayo ang edad ng lalaki sa asawa niyang si Arem.

To be a chief inspector at his age, it only means that he's capable or maybe, he have a big supporter behind him na naglagay sa kanya sa posisyon na iyon.

"Good morning Sir. My husband, Arem Syquia told me to find you here,"

Parang bombang sumabog sa pandinig ng mga pulis ang sinabing iyon ni Samantha. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang labis na panghihinayang.

"Tsk, mahina talaga. Akala ko naman chicks niya na,"

"Ano pa ba. Naturingang Chief Inspector, torpe naman,"

"Lahat na lang ng magaganda, kung hindi may jowa may asawa na. Isinumpa ba 'yang si Major?"

"Wala na ngang mahanap na girlfriend sa Siudad pati ba naman dito sa Probinsya hindi rin siya makaisa?"

Samantha's mouth twitch.

Hindi siya makapaniwala na hayagang pinagchi-chismisan ang pulis na nasa harapan niya ng mga tauhan nito.

The DivorceWhere stories live. Discover now