Chapter 18: What To Fix Next?

291 20 2
                                    

San Sebastian de los Reyes, Spain.

Nakahalukipkip na tiningnan ng binatang nakasuot pa ng mamahaling business suit ang nagkalat na damit sa kulay puting sofa.

"You're into selling old clothes now?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa malamig na tinig. Tinitigan nito ang kaibigan na kaagad namang dumistansya sa kanya.

"Well, para sa'yo ang lahat ng 'to brad. Remember, uuwi ka na ng Pilipinas?"

"For me? What kind of joke is that Ysmael?"

"Tsk. At paano ka naman uuwi sa nanay at mga kapatid mo? Nang ganyan ang itsura mo? Sa palagay mo ba pakakawalan ka nung babaeng kinuha ng tiyahin mo sa kung saang lupalop ng probinsiya para ipakasal sa'yo? Believe me men, this is the best move for you. You have to disguise yourself. Hindi pwedeng ipangalandakan mo kaagad ang kayamanan mo. Remember, ang alam ng lolo mong manipulador, namumulubi ka na. Kaya ka nga nakikisiksik dito sa mansiyon ko diba?"

"I gifted this mansion to you," malamig na kontra ng binatang hindi mapigilan ang pagkunot ng noo. Somehow, he felt that this dumb friend of his has a point.


"Tsk. Napakagaling mo talagang mangatwiran, Arem. Hindi na ako magtataka kung bakit isinugod na naman sa ospital ang lolo mo," naiiling na saad ng international actor na si Ysmael.

Hindi sumagot si Arem. Sa halip ay dinampot nito ang isang lumang tshirt na kupas na ang kulay. Malinis iyon pero hindi na mahahalata na dati iyong kulay pula.

"Sasabihin mo sa mama mo na umalis ka na sa poder ng lolo mo. Wala kang nakuha kahit na singkong duling at nahihiya kang lumapit sa mga kaibigan mo. Mag-aapply ka ng trabaho sa Siudad at magpapanggap na mahirap hanggang sa sukuan ka na nang babaeng 'yun,"


Gumuhit na naman ang kunot sa makinis na noo ni Arem. Does he really have to go that far?

"Bro, hindi mo siya pwedeng ipagtabuyan. Nakuha na niya ang loob ng buong pamilya mo. Kung ayaw mong ipagtulakan ka palayo ng mga kapatid mo, you have to play the victim. Kailangan mong ipakita sa kanila na naghihirap ka rin dito. Dahil kahit ako man, kapag matagal akong hindi binisita ng kuya ko na alam ko namang may maayos na pamumuhay habang kami ay halos buto't balat na lang dahil sa kahirapan, ay talagang tatanggapin ko ng buo sa loob ang taong naghango sa amin sa kahirapan!"

Arem looked coldly at Ysmael. Hindi niya ini-expect ang kadaldalan nito. Ganoon yata talaga ang nagagawa ng showbiz. Pati ang taong mahiyain ay nagbabago ng ugali.

Mariing ipinikit ni Arem ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, kahit nakakairitang pakinggan ang kaibigan niya, aminado naman siyang totoo ang sinasabi nito.

Arem pursed his lips.

Hindi niya matanggap ang kinahitnatnan ng mommy at mga kapatid niya. Gayunpaman, wala siyang magawa dahil hawak rin siya sa leeg ng lolo niya. Lahat ng mga tulong na gusto niyang iparating sa mga ito, hinaharang ng magaling niyang tiyahin.

Ni isang beses ay walang nakarating sa mommy niya sa lahat ng mga ipinadala niya.

Huminga ng malalim ang binata. Pilit na kinokontrol ang galit na namumuo na naman sa dibdib niya. Umabot na siya sa ganitong sitwasyon. Wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang tanggapin iyon. Tama si Ysmael. Hindi niya pwedeng ipagtabuyan ang babaeng 'yun lalo na at ito lang ang bukod tanging tumulong sa pamilya niya.

He should be grateful.

Pero kahit na gusto niyang tanawing utang na loob ang ginawa nito sa pamilya niya, hindi ibig sabihin noon ay tatanggapin na niya ng bukal sa loob ang kasal nila. Hinding-hindi niya tatanggapin ang taong ginamit ng mga ganid niyang kamag-anak para sirain ang buhay niya.

"Are you going with me?"

Napahinto sa paglalakad si Ysmael. Paakyat na sana ito sa mataas na hagdanan dahil nahahalata na nitong sumasama na ang timpla ng kaibigan noong marinig naman niya ang tanong nito.

"I can't. Dalawang buwan pa kaming magsu-shooting dito sa Spain," seryosong sagot ni Ysmael.

May tinanggap siyang tv series at marami sa mga scenes niya ay ginanap sa Spain. Kaya naman nandoon siya ngayon sa mansiyon na galing mismo sa bilyonaryong si Arem.

Napailing na lang si Ysmael.

Sinong mag-aakala na ang apo na minamanipula lang ni Chairman Syquia noon ay isa na rin palang bilyonaryo ngayon? Halos hindi nagkakalayo ang net worth nang maglolo. At ang mas malala, walang kamalay-malay ang matanda na ang kompanyang kumakalaban sa kompanyang buong buhay nitong itinaguyod ay ang sarili nitong apo na ito mismo ang nagsanay at humasa.

Aside from the old man's training, Arem is born with talent when it comes to doing business. Hindi pa kailanman nag-flop ang negosyong binubuksan o pinag-i-invest-an ng magaling niyang kaibigan.


"Payong kapatid lang 'tol, talk to your mom first and get to know your siblings. Droid, Trap and Felix can handle your company's matters right? Hayaan mo muna silang tatlo na i-manage ang kompanya. Para saan pa ang pagiging acting CEO ni Felix? At ang pagiging powerful assistant nina Trap at Droid kung hindi mo sila pwedeng iwanan sa loob ng ilang buwan? Besides, hindi ka naman talaga aalis. Pwede pa rin naman silang mag-update sa'yo araw-araw, hindi ba?"

Hindi kumibo si Arem.

Tuluyan ng umakyat pataas ng hagdanan si Ysmael. Si Arem ang tipo ng tao na kapag hindi kumibo, isa lang ang ibig sabihin noon, sumasang-ayon ito sa narinig.

Sa kanilang limang magkakaibigan. Si Ysmael ang pinakadetalyo. Wala itong pinalalagpas kahit na maliit na detalye.

Iyon ang ipinayo ni Ysmael sa kaibigan dahil nalaman nito mula sa kaibigan pa nilang si Yuno ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya ni Arem sa Pinas.

Elementary pa lang ay magkakaibigan na sila. Kaya naman nakita nilang magkakaibigan kung paano alagaan at mahalin si Arem ng mga magulang nito. Proud na proud si Arem sa ama at ina kahit na ikinahihiya pa ng buong Syquia clan ang pagiging aktor ng mag-asawa.


Ang easy-go-lucky at pasaway na si Arem noon, ay biglang nagbago noong itakas ito ng sariling lolo at lola mula sa nanay nitong nakaratay na lang sa higaan. Ni hindi maalagaan ng ginang ang bagong silang na triplets.


Noong mga panahong 'yun, iyon ang unang pagkakataon na nakita ng magkakaibigan ang tunay na kapabilidad ni Arem.

Alam naman nilang sadyang matalino ang kanilang kaibigan. Hindi lang sa major subjects nila ito panlaban, pati na rin sa sports ay halos hindi  ito nagkaroon ng record ng pagkatalo. Kaya naman hindi na sila gaanong nagulat noong makita nila ang unti-unting pagtatag ni Arem sa sarili nitong kompanya.

Lumago lang iyon ng lumago.

Hanggang sa makilala iyon globally.

Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ysmael. Kaagad nitong pinayuhan ang kaibigan sa dapat nitong gawin dahil ayaw nito na magkaroon ng bagay na pagsisisihan si Arem pagdating ng panahon.

Stable na ang ACE Company.

Pamilya naman ni Arem ang dapat nitong isunod na ayusin.

The DivorceWhere stories live. Discover now