Chapter 30: Her Creations

306 14 2
                                    

Sinundan ni Ginang Aria ang anak na si Arya at ang daughter-in-law na si Samantha habang naglalakad ang mga ito palabas ng bahay.

"Kumain muna kaya kayo bago umalis?"

"Maaga pa naman po, Mom. Nag-promise ako kay Arya na iti-treat ko siya sa labas," nakangiting wika ni Samantha na nakasuot din ng high waist pants. Pero sa halip na crop top, knitted sweater na turtle neck ang suot niya.

Hindi gaanong mainit sa lugar na iyon kaya naman hindi nag-aalala si Samantha na maiinitan siya dahil sa suot na damit. Mataas na sandalyas naman ang suot niya sa paa.

Kung paanong bumagay kay Arya ang kulay puting sneakers na suot nito ay bagay na bagay din naman kay Samantha ang mataas na sandals na kulay krema, kakulay ng suot niyang knitted na turtle neck.

"Date namin 'to ni ate Sam, mommy. Huwag niyo na kami pigilan please,"

Natawa na lang si Ginang Aria sa bunso at nag-iisang anak na babae.

Habang tumatagal na magkasama si Arya at Samantha, nakikita ng ginang ang malaking pagbabago ng anak. Mas nagiging outspoken na ito at nabawasan ng husto ang pagiging kimi, mahiyain at pagiging matatakutin nito.

Kaya naman hindi talaga mapigilan ni Ginang Aria na mapamahal lalo kay Samantha. Nakikita niya kung gaano ka-positibo ang epekto ng presensiya nito sa triplets.

"Oh siya sige. Sam, 'yung VIP card na ipinakita mo sa akin the other day, dala mo ba? Pwede mong gamitin iyon para makapasok sa luxury malls. Kahit na mag-window shopping lang kayo ni Arya, marami kayong makikitang kakaiba doon. Mag-stroll lang kayo at mag-enjoy,"

"Yes mom. Dala ko po. Plano ko nga pong mag-window shopping or bumili ng mga items naka-50 percent off," nakangiting sagot ni Samantha sa kanyang mother-in-law.

"Good. Sige na, umalis na kayo para makauwi rin kayo kaagad," pagtataboy na ng ginang sa dalawa. Kanina pa hindi mapakali ang anak niyang si Arya kaya naman hindi na pinilit ng Ginang na sa bahay kumain ng tanghalian ang dalawa.

"Anong card ang pinag-uusapan niyo, mom?" Curious na tanong ni Arthur.

Kitang-kita ang inggit sa mga mata nito habang sinusundan ng tingin ang kapatid kasama ng kanilang ate Sam sa pagpunta sa Siudad.

"Binigyan si Ate Sam mo ng VIP card,"

"Sinong nagbigay?" Tanong ulit ni Arthur.

"Binigay ng AJS sa ate Sam niyo 'yun. Gamit ang VIP card na 'yun, pwede siyang pumasok sa mga luxury malls," pagpapaliwanag ng ginang.

Hindi niya mapigilan ang malungkot.

Noong kasagsagan ng kasikatan niya, walang problema kahit na ilang luxury malls pa ang pasukin niya sa loob ng isang araw. Ngayon, kahit sa palengke lang sa Siudad ay hirap na hirap makapunta ang mga anak niya.

Huminga ng malalim ang ginang.

Ipinagpapasalamat niya talaga ang pagdating ni Samatha sa buhay nilang mag-iina. Dahil kay Samantha, nakawala sila sa mala-impiyernong pamumuhay-salamat sa magaling niyang mga kapatid at in-laws.

"AJS? 'Yung malaking Jewelry Shop sa Siudad mom? Pero bakit nila binigyan si ate Sam ng VIP card?" Curios na tanong ni Arthur.

Tanging ang ginang lang ang nakakaalam patungkol sa bagay na iyon.

"Jewelry designer ang ate niyo sa AJS. Kasama sa benefits na ibinigay sa kanya ang VIP card. Hindi ko lang alam kung binasa ba ng ate niyo ang terms and conditions ng card,"

"Whoa!"

"Ang cool ni Ate Sam!"

Napangiti lang si Ginang Aria. Kahit siya ay hindi inaasahan ang talentong iyon ni Samantha.

The DivorceWhere stories live. Discover now