Ikalimang Kabanata

1.1K 52 14
                                    

Kabanata 5

Suka chronicles

My head was spinning.

Gusto ko na lang sumubsob sa mesa upang matulog. Nagkayayaan kaming magkaklase sa isang block na uminom, katatapos lang ng finals namin at ilang requirements na lang ang kulang para sa graduation.

Mukhang hindi yata ako makaka-graduate... dahil parang mamatay na ang pakiramdam ko sa sobrang daming alak kong nainom.

I already called my bestfriend to pick me up and I was just waiting for him.

"Crimson," Nag-angat ako ng paningin. Nahihilo ang aking paningin. "Hindi ka ba talaga sasama? Ihahatid na namin ang girls sa kanilang apartment."

Umiling ako. I waved my hand at them. Parang hindi man lang tinablan ng alak si Jetro, silang dalawa ni Mira ang maghahatid sa mga kaklase naming lasing na lasing kagaya ko.

"You should g-go, Chance... s-sundo ko."

"Are you sure? Samahan ka kaya namin hanggang dumating si Chance." Mira offered.

"N-no... baka sumuka na si Sheryl."

Muli akong umub-ob sa table namin. Bayad na lahat ng drinks namin ngayong gabi. I was just going to wait for a few minutes. Nagpaalam na sila, itinaas ko na lang ang aking kamay bilang go signal.

A few minutes passed by, I was already dozing off to sleep. I felt a presence beside me.

Pinilit kong umayos ng upo sa isiping si Chance ang tumabi sa akin. Nanliit ang aking mata ng tingnan ko naman ang lalaki, hindi siya pamilyar sa akin. He has that stupid smile plastered on his lips.

Hindi naman pangit ang lalaki... hindi rin ganoon kaguwapo, I guess. I was surrounded by the Ponces, they are the definition of the word handsome and good-looking. I wasn't that impressed of his visual.

"Do you need s-something?" I asked, annoyed.

"I think it's you who needs something. Do you want my company?"

"No." I shook my head. "My boyfriend's picking me up."

"You're bluffing. No boyfriend would let his girlfriend be this wasted. I can be your boyfriend for tonight, though. Free of charge," saad ng lalaki. "We don't need to know each other's name."

I wanted to walk out, but sure thing, I would be tripping. Mas minabuti ko na lang munang umupo at sikmurain ang pananalita ng lalaki. Seriously, saan kaya siya humuhugot ng lakas ng loob?

Nasobrahan siya sa confidence, yabang na lang. Hindi ako umimik at hindi ko ito pinansin. Maybe, he could get the hint I'm not interested. Hindi yata niya naintindihan ang katagang no.

"Come on, baby. I'm already a good catch, you ain't even that pretty," He shrugged. "Just saying."

I gasped a bit.

Wow.

Ang kapal, parang kalyo. Eh, kung yadyarin ko mukha niya? Hindi ko kinakaya ang audacity ng lalaki. Kapag hindi nila nakuha ang gusto, they tend to be assholes. Gosh. I just remained silent.

I didn't want to give him the satisfaction of getting any violent reaction from me. He's not deserving of my attention or response.

Hindi naman pala ako kagandahan, eh bakit siya kusang lumapit? Kasi akala niya mabilis akong makukuha dahil nakainom ako.

"I promise, I'll make this night memorable for you."

Naririndi nang aking tainga sa patuloy niyang pagsasalita ng kung anu - ano. He was simply torturing my ears.

To His Future Lover (Haciendero #5)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt