Ikadalawampu't Anim na Kabanata

861 45 9
                                    

Kabanata 26

Oncology department

"Bakit may pabulaklak at chocolates? May kasalanan ka?" Tumaas ang kilay ko.

"What? Kasalanan agad, Crim? No. I just wanted to give you that. Matagal ko nang gustong i-spoil ka sa ganyan, kulang lang ako sa budget noon. Kailangan ko munang pag-ipunan bago kita madala sa resto o makapagbigay ng bulaklak ng walang okasyon."

I accepted the bouquet of flowers and chocolates. Hinalikan ko siya sa labi.

Iyon agad ang bungad sa umaga ko.

"These past few weeks, you're irritated with me." Ngumuso siya.

"I'm sorry, Makoy."

Yumakap ako sa kanya. Hinimas niya naman ang parteng likod ko.

"It's okay, bebe ko. Cute mo kapag sinusungitan mo ako..." He kept whispering I love yous against my ear.

Hay, ang sarap mahalin. Mahal na mahal ko rin siya.

It was my hormones acting up. I was easily irritated by circumstances. Madalas ang asawa ko ang napapagbalingan ko ng aking inis.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa aking pagbubuntis. I didn't want his hopes up only to be shattered with a false news. Siniguro ko munang buntis ako bago ko ipaalam sa kanya ang magandang balita.

I was preparing something to announce the good news to him.

Bumili ako ng mga laruan at baby care kits, inilagay ko iyon sa isang box at binalutan ng gift wrapper.

May kasama iyong card.

On the other box, I put the pregnancy test kits I used and wrapped it also to surprise him. The third box has customized shirts and caps for my husband and our incoming newborn.

I will announce the pregnancy to Mama and Tito Agustin during the dinner. Nagpa-reserve ako sa resto ni Tito.

Bahagya muna akong tumungo sa banyo upang mag-ayos ng aking sarili. I was feeling nervous. Naghilamos lang ako ng mukha at nagsepilyo bago tumungo sa kusina.

Agad kong naamoy ang aroma ng kanyang niluluto, bitbit ko ang regalo para sa aking asawa.

Nakatalikod siya sa akin at tanging suot lang ay apron.

It was my usual scenery in the morning.

Umaga pa lang, busog na busog na ako sa magandang tanawin sa maskuladong katawan ng asawa ko.

His muscles were defined in the right places.

"Good morning, hubby." Kinintalan ko siyang muli ng halik sa labi. "This is for you. I'm sorry for acting weird lately."

Ibinaba niya ang hawak na spatula at in-off ang stove.

Lumawak ang kanyang ngiti at nagpasalamat sa akin. Ramdam ko ang kanyang excitement habang sinisimulang buksan ang regalo ko.

He unwrapped it neatly.

Bumungad sa kanya ang baby toys, mittens, maliit na shoes at bottle. Tumingin siya sa akin. His expression was shocked and confused. He was still processing the idea behind my gifts.

Dumako ang kanyang kamay sa card na nakapaloob doon.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang nabasa ang nakasulat.

"Are we having a baby, Crim?" Lumapit siya sa akin.

Natawa ako sa kanyang ekspresyon, parang nasa alapaap siya sa saya.

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now