Ikalabing-walong Kabanata

970 52 13
                                    

Kabanata 18

Reservations

Naglakas loob naman akong basahin ang mensahe ni Chance.

Pikit - mata kong in-open ang message niya sa akin.

I hope it wasn't sent wrongly. I hope it was meant for me. I'd be mad if it were for someone else. :)

I blinked several times reading his message.

There was an attached picture to it. Nabitiwan ko naman ang hawak kong phone.

He sent me a topless mirror selfie.

Napasigaw ako.

Pinaypayan ko ang aking sarili. Grabe, p'wede na akong mahimatay sa picture niyang iyon. Mas lalong naging depina ang kanyang katawan. Parang magkakaroon ako ng bukol kung sakaling bumangga ako sa kanyang dibdib.

Ang hot niya, gosh!

I just saved the picture to look at it without having to worry my hand would slip and purposely take a nude picture and send it to him. Napabangon naman ako nang tumawag si Mama.

"Mama..." Ngumuso ako.

"Did you just run from the house? Crimson, what were you thinking?" Humalakhak siya sa kabilang linya. "That's what you get for not reading chats nor answering my calls early in the morning."

Paano ko sasabihin sa kanya ang mga katangahan kong ginawa? Dahil hindi ko iyon kayang harapin, binasag ko ang phone ko at bumili ng bago. Hindi rin agad ako nag-log in sa messaging accounts ko.

"Mama, I'll just accompany you some other time to plan your wedding. Sorry po."

"Don't worry, I canceled it last minute. Naintindihan naman ng wedding planner. So, when will you see Chance?" Inililihis ko na ang usapan, doon pa rin talaga ang deretso.

"Uh, ang cute ni Trojan, Mama! Malaki na pala siya 'no? Super magalang pa!" I diverted the topic.

"Right. He's the sweetest, too. And madaldal! We were entertained kanina! Siya nga itong nagkuwento na tumakbo at nadapa ka raw!" Tumawa si Mama. Nasapo ko naman ang aking noo.

Bakit ba hindi ako magawang lumbayan ng kahihiyan? Ano bang meron sa akin? Nakakainis!

"I got a baby fever. Anak, I need apo na. Do you know who has genes like Trojan Miracle have?" Her tone was teasing me.

"Mama, binubugaw mo ba ako?" Nag-init ang aking pisngi.

"Well, binugaw mo ako sa dating app. So, I'm doing the same thing to you to a wonderful man! Crimson, 'wag ka nang umarte!" I was sure she was rolling her eyes at me. "Sobrang cute ni Trojan, anak."

Hindi na pag-aartista ang topic namin ngayon, pag-aanak naman. Hindi ko masabayan ang cravings ni Mama, pati apo gusto niyang ibigay ko.

I shook my head and ended the call.

Nagpaalam akong mayroon pa akong gagawin kahit ang tanging gawain ko lang ay pagmasdan ang litrato ni Chance. Napapasigaw na lang ako sa tuwing bumabalik sa aking isip ang kahihiyan ko.

Napapitlag naman ako nang tumawag ang receptionist sa telepono ng apartment ko. There was a package waiting for me down there.

Hindi ko naman natandaan kung anong binili ko kaya bumaba na lang ako para kuhanin iyon. I wasn't expecting it to be huge. Mabuti na lang tinulungan ako ng mga nasa reception na iakyat iyon sa floor ko.

I readied my phone for an unboxing video just in case I need to return the items.

To my surprise, the huge box was filled with more boxes wrapped as a present.

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now