Ikalabing-siyam na Kabanata

996 47 9
                                    

Kabanata 19

Memories

"Iyon lang? Friends lang kayo? Walang aminang nangyari?" sunod - sunod na tanong ni Mama matapos kong ikuwento sa kanya ang naging instant bakasyon namin ni Chance na magkasama.

"You deprived me of the chika for a week for you to tell me you ended as friends again." She heaved a deep sigh of frustration.

"Mama, it's only the start to rebuild our relationship. Give it a chance. I missed him so much. Payag ako sa kung anong kaya niyang ibigay sa akin. If just friendship, so be it." I told her.

I'm just tired of the setup wherein there's this awkward tension between us.

Mas gusto ko iyong wala kaming ilangang dalawa.

Sobrang lapit niya pero hindi ko man lang siya magawang yakapin o kausapin. That cycle needed to end. Mabuti sigurong isantabi ko muna ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tatlong taon din ang lumipas pero nangangapa pa rin ako sa dapat kong gawin. Palagi na lang akong nawawala sa wisyo sa tuwing malapit siya sa akin.

"Chance got all these for you?!" Itinuro ni Mama ang kahon na may lamang regalo ni Chance. "Partida hindi pa kayo magkaayos n'yan. That must mean something, don't you think?"

"Ayoko pong mag-ilusyon. Hanggang friends lang kaming dalawa."

Mama looked at me for a long time. Muli siyang napabuntong hininga.

"Fine, whatever your decision is." She shook her head slightly. "I'm not going to interfere. I don't want to be stressed on my own wedding. Malaki ka na, Crimson."

Tumango naman ako.

"I'll try to decide what's best for me, Mama."

Lumapit naman ako at yumakap sa kanya.

She asked if she could look at the gifts Chance gave me. Itinabi ko na ang sulat na kasama noon. Wala pa lang akong ideya kung saan ko ilalagay ang mga regalo niya. Most of his gifts were branded.

I didn't want the gifts to be damaged or tainted. Hindi rin kalakihan ang closet ko, baka mas lalong masira ang gifts niya.

"I can't just put them in my closet. It doesn't have much enough space. Nakakahiya kay Chance baka masira sila..." sinabi ko kay Mama.

"Dapat lang na ingatan mo, anak..." Ngumiti siya. "These were from hard-earned money and from someone special. Ang haba ng hair, hindi naman si Rapunzel." May patutsada pa siya, napanguso lang ako.

Mabilis ang pag-usad ng wedding plans ni Mama. She chose a simple church wedding with a few guests. She invited her parents, but they had a lot of things to say so we had to uninvite them.

Hindi kailangan ni Mama na ma-stress sa makalumang persepsiyon at opinyon nila na sa tinagal nilang nabuhay sa mundo, hindi pa rin nabago.

Uuwi ang kapatid ni Mama at mga pinsan kong nasa abroad sa kanyang kasal.

I was excited for our reunion.

They were supportive enough for my mother. I only allowed that energy for her. Duwag man ako sa pag-ibig pero lumalabas ang pangil ko kapag kailangan kong ipagtanggol ang aking ina.

She deserved to be happy.

She deserved everything after all the things she sacrificed for me.

"Mama, I'm so happy for you..."

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Mas magiging happy ako kapag happy nang puso mo."

Ngumuso naman ako.

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now