Ikalabindalawang Kabanata

947 43 20
                                    

Kabanata 12

A bad decision

We were both shocked by what I've done.

Before he could confront me about it, I walked back toward the restaurant. Agad naman niya akong hinabol at ilang beses na tinawag ang pangalan kaya mas binilisan ko pa ang aking lakad.

I couldn't take responsibility of the kiss. Oo, naduduwag akong harapin siya sa ginawa ko. It just occurred to me, then my impulsive thought acted upon it.

Ito iyong mga araw na kinatatakutan ko. Baka bigla na lang mailagay ko sa cravings list ang labi niya.

I felt bad for leaving him there, but what should I do? Napapikit akong naupo sa table namin, sumandal ako sa upuan. Everyone was busy on their own world. Hindi rin naman magtatagal, magsisiuwian nang lahat.

"Tita Cara..." I heard Chance's voice.

Boses pa lang niya namumula na ang aking mukha.

"Sasama po akong maghatid kay Crim."

"Sure, Chance, bakit ka pa nagpapaalam?"

Napamulat naman ako ng wala sa oras, nagtama ang paningin naming dalawa. Lumapit siya sa akin at inokupa ang upuang katabi ko. I almost jolted when I felt his hand over mine.

"Let's talk..." seryoso niyang wika.

We can't talk.

Paano kapag tinanong niya ako? Anong isasagot ko sa kanya? Anong sasabihin ko? Na parang... Parang nagugustuhan ko na siya? What reasons could I possibly tell him why I kissed him on the lips?

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tahimik ako hanggang makaalis kami ng restaurant. Hinawakan ni Chance ang kamay ko upang hindi ako makatakas sa kanya.

Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan pa lang kami. Hinatid kami ni Mama patungong apartment. Bumaba ako, nanlaki naman ang aking mata nang bumaba rin si Chance kasunod ko.

"Hindi ka ba magpapahatid kay Mama?"

Ngumisi siya.

"Out of the way." Bumaling siya kay Mama. "Thank you po, Tita Cara. Thank you for attending my graduation."

We silently walked toward my unit. Ngumiti lang ako sa guard ng batiin niya kami.

Nanginginig pa ang aking kamay nang buksan ko ang pinto. The keys fell from my hand.

Sinimot naman iyon ni Chance mula sa sahig, siya na ang nagbukas ng pinto. Mas lalo siyang lumapit sa akin, at binalot niya ako ng dalawang kamay niya habang kinakalikot ang door knob.

I felt like he was hugging me from the back. Pinigilan ko pa ang paghinga hanggang mabuksan niya ng tuluyan ang pinto.

He was really doing things to my body. I didn't even know if he was aware with the sudden changes.

Ibinaba ko ang bag ko sa mesa at uminom ako ng tubig. Inilagay ko ang baso sa lababo at hinugasan iyon.

"Will you stay for the night?" I asked him.

"Maybe, if you want me to stay."

I looked at him.

Nakasandal siya sa pinto ng kuwarto habang naka-krus ang kamay sa dibdib. Susmaryosep naman sa guwapo. Napalunok ako ng laway. How can I evade this man? Hinaharangan niya ang pinto ng kuwarto.

"Shall we talk about the kiss, Crim?" seryoso niyang tanong.

"Uh, I'm..." Huminga ako nang malalim. "I'm tired."

To His Future Lover (Haciendero #5)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang