Ikawalong Kabanata

967 46 19
                                    

Kabanata 8

Truth or dare

Every morning we take our time to walk around the hacienda.

Madalas na tumulong ako sa pamimitas ng gulay sa greenhouse kaya palaging fresh ang niluluto ni Manang Sisa. It was such a nice experience. Hindi mawala ang excitement ko sa bawat araw dahil may panibago na naman akong karanasan.

Of course, I would tell Mama everything that happened to me the past few days. Hindi ako nakakalimot na mag-update sa kanya.

Humirit na siyang humingi ng mga gulayin sa bestfriend ko, ilang linggo pa naman akong mamalagi sa kanilang hacienda.

Ilang araw na rin akong nagbabaka sakaling matuto sa pagsakay ng kabayo. Chance was very patient with me. Palagi siyang nakaalalay para hindi ako matakot. I was making a bit of progress.

Bahagya naman akong nakakalayo ng ilang dangkal bago muling alalayan ni Chance ang kabayo.

Mas gusto ko kapag sakay din siya ng kabayo sa aking likuran at nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. That was the acceptable way of riding a horse. I wasn't that scared knowing he got my back.

I just had a fun time with Jutay at the greenhouse.

Namitas kami ng mga gulay na ide-deliver sa bayan, tumungo ako sa sakahan upang hanapin si Chance ngunit wala ito roon.

I decided to go back to the mansion.

Nasalubong ko si Manang Sisa, nagmano muna ako bago umakyat sa itaas. Tinanong ko pa ang matanda kung nakita niya ang bestfriend ko... na para sa kanya ay nobyo ko.

She saw him at the house, he was probably in his room.

Nagpaalam naman ako kay manang, tumakbo ako patungo sa kanyang kuwarto. Nabitin ang paghiyaw ko nang marinig kong mayroon siyang kausap sa video call.

It was his father.

Marahan kong isinara ang pinto at naghintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa.

I tried to bite my lip so hard so words wouldn't come out of my mouth.

I was trying my hardest not to say anything.

Naiinis ako sa paraan ng pagkausap ng ama ni Chance sa kanya samantalang mahinahon pa rin ang kaibigan ko.

"When it was our time, we also experienced the same struggles, Chance Macario. It's not an excuse you didn't graduate on time." Napapikit ako.

That's it.

That's my last straw.

"Excuse me po, Tito..." Kinuha ko ang atensyon nito.

Bago pa siya makapag-react, nagsalita akong muli at nagpakilala sa aking sarili.

"Just in case you don't know me, matagal na po kaming magkaibigan ng anak n'yo. Kilala ko po siya... Matalino po si Chance pero aanhin 'yong talino nilang magpipinsan kung hindi naman nasusuportahan ng mga tao sa kanilang paligid? Mismong pag-aaral nga nila, at kalidad ng edukasyon, hindi n'yo masuportahan..."

Sa lagpas isang dekada ko bilang kaibigan ni Chance, isang beses ko lang nakita ang lalaki sa personal. Madalas naman kasing wala ito sa bansa. None of them was present to be the guardian of their kids.

I didn't let him speak again, I spoke again. Hindi na ako nagpaawat. Hindi naman palaging nagkakaroon ako ng tiyansa na kausapin ang magulang ng kaibigan ko.

"Kaya nga po kayo nagsumikap noon, para hindi na rin maranasan dapat ng mga anak n'yo ang kung anumang hirap ang dinanas n'yo. That's why we're working hard to make sure the generations we're going to birth won't have to face the same struggles. Natural lang po sa buhay na minsan pumalpak." I said firmly.

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now