Ikalabing-anim na Kabanata

821 48 2
                                    

Kabanata 16

Dear Crimson Aurelle

Walang araw na hindi ako umiyak.

Iyon ang naging pampatulog ko, wala akong choice kung hindi isabay ang sakit na nararamdaman sa trabaho. Julius tried his best to cheer me up but nothing could take away the pain.

Nakakainis na sobrang apektado ko, ako naman itong nanakit.

I deserved this pain for hurting the man I love.

"Ano bang nangyari? Gusto mo bang iinom 'yan? Pero sa weekend na, ha. Ang hirap magwalwal ng weekdays, baka matanggal tayo pareho..." Binigyan niya ako ng tissue.

Kusa na lang na tumutulo ang luha ko sa mata.

"Nakipagbalikan ako sa'yo..."

"Ha? Ano? Pumayag ba ako?" His expression was confused. "Did you tell Chance we are back together again? Ate ko, ano na naman 'to?!"

I didn't answer his question.

My silence was loud enough to give him the hint.

"Ay, deserve mo 'yan, 'te. Nanakit ka ng g'wapo, magdusa ka ngayon!"

Mas lalo akong humagulhol kaya nataranta siya.

Niyakap niya ako at pinatahan. Bahagya kaming nanatili sa sidewalk ng ilang minuto sa sandaling paghagulhol ko.

"Bakit mo naman kasi sinabing nakipagbalikan ka sa akin? Paano na lang kung sugurin ako noon? Hindi ko kaya ang suntukan, espadahan p'wede pa..." He wriggled his eyebrows.

Hinampas ko naman ang kanyang braso.

"It's complicated..." sagot ko na lang.

Sinamahan niya ako hanggang makarating ako sa apartment.

To my surprise, a familiar figure was standing outside, waiting for my arrival.

Nagpaalam ako kay Julius, sinalubong ko naman si Lorenzo. Seryoso ang kanyang mukhang pinagmasdan ako. Napakamot ito sa ulo.

"Ready na akong magbitiw nang masasakit na salita. Bakit naman ganyan ang hitsura mo? Parehas na parehas kayo ni Chance, ah." Tumungo kami sa apartment ko, ayokong makipag-usap sa kanya, nakakahiya na sa mga taong napapagawi ng tingin sa akin.

At least, I can cry in peace in my apartment.

"I was worried about Chance. I really wanted to talk to you, turned out you were suffering as well." Naupo siya sa upuan sa tapat ng mesa, ipinagtimpla ko naman siya ng kape.

"He's going to New York. He accepted the job offer," pagbabalita niya.

"That's the plan..."

Lorenzo looked at me.

"You heard," he concluded. "That's why you did what you've done."

Inilapag ko ang kape sa tapat niya.

I sat down in front of him.

"Mahal mo ba ang pinsan ko, Crimson?" seryosong tanong niya. "Be honest."

"Why would I tell it to you?" My brow rose.

"Mukha lang akong hindi mapapagkatiwalaan pero marunong naman akong magtago ng sekreto. Fake news lang iyong pinapakalat ko. Pinagkalat ko ngang boyfriend mo si Chance para hindi ka lapitan ng iba, hina kasi ni torpe," daldal pa niya.

I glared at him.

Tama nga ako.

Siya nga ang salarin sa mga naudlot kong ka-talking stage. Pasalamat siyang wala na akong pakialam sa mga dati kong naging kalandian. The pain I was feeling before didn't even match a tiny bit of what I was feeling right now.

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now