Ikaanim na Kabanata

1K 50 17
                                    

Kabanata 6

Sugar mommy

"What?" Tumawa ako.

Mama was giving me a death glare. Hindi siya makapili ng damit niyang susuotin para sa casual date niya, tamang coffee lang muna sila nang nakausap niya sa online dating app.

"It's your fault!" sisi pa niya sa akin.

Umiling naman ako. "Mama, I just downloaded the app and set up your account. Wala na akong kinalaman sa pakikipag-chat. It's on you, not me!" I defended myself. "And I'm here to help you, hindi naman kita ilalaglag sa ere."

They were talking for quite some time already before she agreed with the meetup.

Mukha namang disenteng lalaki ang natipuhan niya. Single ito, wala pang naging asawa dahil breadwinner ng pamilya. Ngayon lang daw ito nagkaroon ng panahon na mag-entertain ng seryosong relasyon.

Well, Mama wasn't entertaining for a serious relationship yet. Gusto niya munang kaswal at kilalanin nang mabuti ang lalaki, at pabor din ako roon bilang anak niya.

S'yempre, ayoko siyang maagrabyado. I'll be the one defending her.

Inayusan ko siya ng simple, iyon ang gusto niya. Mukha siyang sopistikada na mag-aalok ng isang milyon para layuan ang kanyang anak.

"You're so beautiful, Mama." I pouted.

"You're beautiful, my sweetest daughter. Sa akin ka nanggaling." Pinisil niya ang aking pisngi.

I went to my room to change clothes. Hindi naman ako pumayag na walang chaperone ang date nila, kaming dalawa ni Chance ang kasama ni Mama, naghihintay na sa sala ang bestfriend ko.

Simple lang ang suot ko, oversized shirt iyon na ninakaw ko pa kay Chance at short shorts. Nagsuot din ako ng shades para malaya ko silang masusulyapan ng hindi gaanong halata.

Nauna na akong bumaba upang salubungin si Chance na naghihintay sa amin. Agad akong dumamba sa kanya at yumakap.

"I-tease mo naman si Mama," bulong ko sa kanya.

"Ayoko. Baka mag-back out si Tita Cara." Ngumuso naman ako.

She surely will.

Maya - maya pa'y bumaba rin si Mama. She looked really pretty. Umikot siya sa aming dalawa.


"What do you think, Chance? Mukha man lang ba akong tao?" Mama asked him.

"Beautiful, Tita Cara. Baka hindi ka na pakawalan ni Mr. May-asim-pa."

Tumawa ako nang namula ang pisngi ni Mama, iyon ang codename namin para sa lalaki. Nai-share ko iyon kay Chance.

"Kayo talaga... Let's go, kids. Let's get this over with."

Chance drove us to the cafe.

Maaga pa kami ng ilang minuto sa time nilang napag-usapan. Nauna naman kaming bumaba ni Chance sa kotse para i-survey ang kabuuan ng lugar. Then, Mama followed us after.

We acted as if we didn't know each other. She was texting the guy when she went inside the cafe. To our surprise, a man in his forties approached her. Medyo kinabahan ako.

They had a small talk, he guided Mama towards the table.

"Siya na ba iyon?" Chance asked me. Naka-shades din siya gaya ko.

"I guess so. What do you think? Pasado ba?"

"Hm, he's punctual, which is good. Ni-respeto niya ang oras ng pagtatagpo nila ni Tita Cara."

To His Future Lover (Haciendero #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu