Prologue

5 1 0
                                    

Trigger Warning
HINIHINGAL na tumakbo ang tatlong babae sa veranda ng ward nila. Nabalitaan kasi nila na may bagong pasok sa ward, ngunit hindi pa man nila nakikita ay alam nila na kanila itong makakasundo. Napaisip nga lang ang isa sa kanila kung ano ang magiging reaction ni Sylvestre sa bagong dating, lalo na't tulog ito ngayon . . . nasa isang mahabang pagkakatulog, rather. Hindi pa kasi ito nagigising last month pa. Kaya naman napaisip ang isa kung ano ang magiging reaction nito.

"Solasta, you are separated from them. Hindi mo sila ka-ward, but you Wade-ikaw ang kasama nila," sabi ng babaeng nurse kay Wade. Napatingin naman si Solasta sa nurse nang sabihin n'ya ito.

Solasta, one of the new patient from Ward Z2. Ang ward kung saan naroon ang mga pasyente na mayroong cancer, they are separated para hindi sila mahawaan ng kung ano man sa ibang ward. O sila mismo ay hindi makahawa.

Wade, new patient from Ward 2X. Kasamahan sya ng tatlong babae na nag-aabang sa kanila. Ang mga patient sa Ward 2X ay kadalasang naroroon dahil sa mayroon silang disorders such as, depression, bipolar, narcolepsy and etc.

Ngumiti naman ang isa sa kanila kahit na bakas sa mukha nito ang puyat at pagod.

"Hello, Wade! I am Zhyneth" pakilala ni Zhyneth, ang babae na bakas ang puyat at pagod. Mayroon itong magandang mukha at payat na katawan, halatang matalino ngunit pinagkaitan ng mundo.

"Hi, Syx here." sabi ni Syx with her usual blank expression, hindi ito palasalita maliban na lang kung may bipolar manic episode s'ya.

"Hello! Keileigh here!" hyper na sabi ni Keileigh sabay shake hands kay Wade.

"Huwag mo na lang pansinin 'yan si Syx, ganyan talaga 'yan maliban na lang kung aatakihin s'ya ng episodes nya." sabi ni Zhyneth at bahagyang ngumiti kay Wade.

"Hello, I am Wade." formal na pagpapakilala nito, ngumiwi naman si Syx at umirap pa ng bahagya.

Hinampas naman ito ni Keileigh at Zhyneth nang makita nila na ginawa n'ya iyon. Ang usapan kasi nilang tatlo bago pa man nila malaman na may bago ay dapat friendly sila at hindi magsusungit, pero mukhang si Syx yata ang lumabag sa kasunduan na iyon. Mukhang nakalimutan n'ya yata dahil sa inatake s'ya ng kanyang manic episodes simula no'ng gabing 'yon.

"Tara na! Ituturo namin kung saan ang room mo," sabi ni Keileigh sabay hila kay Wade. Hindi na lang ni Wade pinigilan si Keileigh kahit kita naman na mas matangkad ito kaysa kay Keileigh.

Natatawa naman ang dalawa dahil nga sa hila-hila ni Keileigh si Wade, ngunit ang tatlo ay napahinto sa isang kwarto. Habang si Wade naman ay napahinto rin dahil huminto si Keileigh sa paghila sa kanya. Nakita nya kung paanong lumandas ang kanilang tingin sa isang lalaki na nakahilata pa rin sa kanyang hospital bed. Tila isa itong Cinderella na boy version, natutulog lamang ito nang mahimbing na para bang walang naghihintay sa kanyang paggising.

Hindi naman ni Wade alam kung bakit huminto ang tatlong babae sa kwarto na iyon, halata naman kasing hindi n'ya iyon kwarto. At hindi nya rin alam kung bakit napaluha si Keileigh, Zhyneth at Syx ng makita ang kalagayan ng lalaki.

"What's happening?" Tanong ni Wade sa kanila, pinunasan naman ni Keileigh ang kanyang luha at ngumiti naman ng mas malapad kesa kanina. She's weird, he said at the back of his mind.

Back to hila zone na naman sila hanggang sa makarating sila sa isang empty room, walang kakulay-kulay. May isang hospital bed at dalawang unan, may kabinet din na pwedeng lagyan ng kanyang gamit. Wala itong tv o kahit na ano.

"Ito na ang room mo, kapag may kailangan ka nasa tapat lang ng room mo ang room namin. Don't be shy to knock, alright?" sabi ni Zhyneth.

Another Life, Another Chance Onde as histórias ganham vida. Descobre agora