Chapter 9

5 1 0
                                    

Zhyneth

May 3, 2024

Kahit na isang paramdam, hindi n'ya pa rin ginawa. He's just laying there, sleeping peacefully. We missed him already, ang tagal na n'yang nakaratay sa higaan n'ya. Hindi ba s'ya napapagod na matulog?

Nakarinig ako ng katok kaya naman tumayo ako at pinagbuksan kung sino iyon. Si Solasta lang pala. I think she's not getting better, mas lalo s'yang namutla nung umalis s'ya rito sa hospital. At mas lalo s'yang nanghina, wala na akong balita simula nung nakalabas s'ya pero bumibisita naman si Sol kay Sylvestre.

"Still no improvement?" She asked. Tumango lang ako bilang tugon. "He's not...going to die, right?" Tanong n'ya ulit habang nakatingin kay Sylvestre.

Lumapit ako sa kan'ya at inalalayan s'yang maupo sa upuan na katabi lang ni Sylvestre. I need to calm her down, masama ang magiging epekto sa kan'ya kung mauunahan s'ya ng lungkot.

"B-bakit si Sylvestre pa?" Tanong n'ya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi kumikibo. "P-pwede namang ako na lang e..." I hugged her when she said that.

Hindi gusto ni Sylvestre na sabihin 'yan ni Sol kahit na alam kong ginagawang biro ni Sylvestre ang kamatayan minsan. Naramdaman ko na humigpit ang yakap sa akin ni Solasta, kaya naman hinigpitan ko rin ang hawak sa kan'ya. Hindi ko s'ya binitawan hanggang sa tumigil s'ya sa pag-iyak.

Just by looking at her state right now, all I can say is, she look so miserable. Sylvestre has been with her, kaya hindi ko s'ya masisisi kasi ganyan din ang nararamdaman namin ni Syx ngayon.

"Good morning."

"Good morning, Syx." Bati ko sa bagong dating na umupo kaagad sa sofa.

"Wala pa ring balita kung kailan s'ya magigising?" Tanong n'ya sa amin. I smiled bitterly and nodded.

Ang swerte mo sa amin Sylvestre, umabsent ako sa trabaho dahil ni Sylvestre, para mabantayan ko s'ya at the same time ma-monitor. Si Syx naman ay ewan ko r'yan kung bakit ba s'ya umabsent, hindi naman s'ya palaging nagbabantay dito.

Siguro ay umariba na naman ang kabaliwan ng babaeng ito. Si Solasta naman, according to her nung nakausap namin s'ya last meeting ay pumapasok na as a Grade 11 student. HUMSS pa talaga ang strand n'ya ah, mabuti na lang at hindi n'ya pinapahalata na may sakit s'ya.

Wade...

Wala na akong balita sa kan'ya simula nung bumisita s'ya. Ang alam na lang namin ay nagtratrabaho na rin s'ya sa isang big company habang nag-aaral ng IT sa College.

"Sylvestre, bangon ka na r'yan. Nandito si Sol, miss ka na rin namin." Sabi ni Syx na lumapit na pala kay Sylvestre. Ngumiwi ako ng makita ko na hinampas ng mahina ni Syx si Sylvestre. "Ang tagal-tagal mo namang magising." Sabi n'ya pa at parang kinikwelyuhan pa si Sylvestre.

Poor guy.

Hindi n'ya alam kung ano ang ginagawa ni Syx sa kan'ya. Kulang na lang talaga ay magkapasa si Sylvestre dahil sa ginagawa ni Syx, she's not violent though, ginagawa n'ya lang yata iyon para naman maaliw pansamantala si Sol pati na rin ako.

"I was fired, Sylv..." Sabi ni Syx kaya naman tumingin ako sa kan'ya. Nakita ko s'yang nakangiti kay Sylvestre na parang natutuwa pa sa sinabi n'ya.

Sa ngiti pa lang n'ya, alam ko na kaagad na may ginawa s'yang kalokohan. At ang kalokohan na iyon ay ang magbabalik sa kan'ya rito sa hospital. Kilala ko na talaga si Syx.

"Gusto ulit kitang makasama kasi parang kapatid na kita eh," sabi ni Syx. "Gusto rin kitang bantayan kagaya ng ginagawa ni Zhyneth, so, I choose to be fired." Sabi ulit ni Syx. Napatampal na lang ako sa noo ko habang nakatingin kay Syx.

Nakatingin din pala si Sol sa kan'ya, kung kanina ay umiiyak s'ya ngayon naman ay nangingiti dahil sa ginagawa at sinasabi ni Syx kay Sylvestre na parang gising ito.

Napapatampal na lang ako dahil sa reaction ni Solasta at sinasabi ni Syx kay Sylvestre. Buti naman at nalilibang na si Sol, ngumiti ako sa kanila when they noticed me.

"Oh? Kumpleto pala kayo rito?"

Tinutukan ko bigla ng tsinelas kung sino man ang nagsalita. At iyon pala ay si Wade, s'ya yung bagong dating. Umupo s'ya sa katabi kong couch. I composed myself bago umupo rin, busy pa rin si Syx at Sol sa pagbabantay kay Sylvestre. Parang binibilang nga nila ang oras habang tinitingnan si Sylvestre.

Kung nalaman ko kaya kaagad na umiinom si Sylvestre ng ganoong gamot? Hindi kaya ito mangyayari? Paano kung nahuli ko noon si Sylvestre na umiinom ng gamot na iyon? He wants to stay alive para lang sa amin. Gustong-gusto n'ya pang mabuhay para lang sa amin.

"Sol, gusto mong kumain muna?" Tanong ni Syx kay Solasta. Tumango lang si Solasta bilang tugon habang namumula pa rin ang tagiliran ng kaniyang mata. "Mukha ka ng multo dahil sa putla mo." Sabi ni Syx at inalalayan si Solasta.

She's still suffering. Bakit kailangan pang bumalik ni Solasta sa puder ng amain n'ya?

Tumingin ako kay Wade dahil tumikhim ito. Nakatingin s'ya kay Sylvestre na natutulog sa kama.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nitong mangyari.." sabi ni Wade at mapait na ngumiti. "Hindi pa rin s'ya nagigising. Ang haba-haba naman ng tulog n'ya, dinaig pa akong kailangan ng tulog dahil sa trabaho." Dagdag pa n'ya habang nakangiti.

I know, Wade. I know.

Hindi natin alam kung anong oras, araw, buwan o taon si Sylvestre magigising. Walang-wala tayong alam sa magiging pangyayari.

"Why does he need to drink that medicine? He's not sick at all! May narcolepsy s'ya, but that doesn't mean that-"

"Lower down your voice, Wade." Utos ko sa kan'ya at napapikit naman s'ya.

"-he has to drink that kind of medicine. Hindi rin registered sa mga pharmacy." Sabi ni Wade.

Napukaw ng atensyon ko ang sinabi n'ya. What does he mean by that? Hindi registered sa pharmacy ang ininom na gamot ni Sylv?

"W-what do-"

"Zhy, parang ginawang guinea pig ng Doctor na iyon si Sylvestre. Ginawa n'yang experiment si Sylvestre. His daughter was also suffering with the same syndrome as him," sabi ni Wade at ngumisi. "I just heard this from the other doctors. Yung gamot na ininom ni Sylvestre noon, that's the medicine that he created for his daughter." Dagdag n'ya pa.

What...

"And his daughter with narcolepsy syndrome died. Namatay ang utak n'ya dahil sa gamot na iyon, brain dead kumbaga." Wade continued. "Kaya hindi natin masisigurado kung..."

"Kung magigising pa s'ya." Patuloy ko habang pinipigilan ang suminghap dahil sa nagbabadyang luha. Kailangan kong maging matatag, kailangan ako ng iba naming kaibigan ngayon kung sakaling maging ganoon nga ang sitwasyon ni Sylvestre. "He won't die." Wade says and held my hand to squeeze it.

Tama, hindi mawawala si Sylvestre sa amin. Takot s'yang mawala kami, kaya bawal din s'yang mawala sa amin.

Birthday n'ya pa naman ngayon pero nakaratay s'ya sa kama.

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now