Chapter 5

2 1 0
                                    

IYAK ni Solasta ang bumungad sa umaga ko. Bawat iyak n'ya ay nararamdaman ko, mabuti na lang at naging normal na ang paggising at pagtulog ko. Hindi na kagaya noon na sobrang tagal pa bago ako magising dahil sa sudden sleep ko. Lumabas ako ng kwarto ko bago pumunta sa kwarto ni Solasta, nakita ko ang dalawang doctor na pinagkakaguluhan s'ya. Si Wade naman ay nakita ko na nakatayo lang sa labas ng kwarto ni Solasta.

Mukhang wala s'yang balak na puntahan si Solasta, kaya naman ako na lang ang pumasok sa loob at hinawakan ang kamay ni Solasta na nanginginig. Nakita ko kung paanong dumugo ang ilong ni Solasta habang tinuturukan s'ya ng maraming gamot, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kan'ya o sasamahan ko s'yang umiyak. But in the end, I stayed with her while holding her shaking hand. She's like a sister to me. And I am her older brother who can't stand seeing her in pain.

"Sol, inhale and exhale. Gayahin mo ako," sabi ko sa kan'ya pero iling lang at pag-iyak ang tinutugon n'ya sa akin, "Alam ko na masakit pero alam kong kaya mo." sabi ko pa sa kan'ya.

Umiling lang s'ya sa akin na tila isa na s'yang walang boses. Umiiyak s'ya dahil sa sakit na nararamdaman n'ya, naisip ko tuloy bigla ang sinabi ni Wade noon. Na parang walang pakialam ang tatay ni Solasta sa kan'ya at hinayaan lang si Solasta na dalhin dito sa hospital at manatili.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Solasta bago s'ya taimtim na pinagdasal. Lord, matagal na po akong hindi nakakapag-dasal sa inyo pero sana pakinggan n'yo ako. Please, ease the pain that she's holding, we can't stand seeing her like this.

"AAAAHHHH! AYOKO NA PO!" sigaw ni Solasta at humigpit ang kapit sa kamay ko. Umiiyak pa rin s'ya habang tinuturukan, masyado ng marami ang turok sa kan'ya. At alam ko kung gaano na kasakit 'yon, "Tama na po.." nanghihina n'yang sabi hanggang sa matapos ang chemo n'ya.

Nakita ko na pumasok si Wade sa kwarto ni Solasta kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin nang makita ko s'yang nakatingin sa akin. Naiinis ako dahil hindi n'ya manlang nagawang tingnan si Solasta, at hindi n'ya manlang nagawang lumaban kasama ang best friend n'ya.

Napansin ko rin kung gaano s'ya alalang-alala sa kalagayan ni Solasta pero naiinis pa rin ako. Hindi n'ya deserve si Solasta, hindi n'ya deserve na maging kaibigan si Solasta. Wala manlang s'yang pakiramdam kanina, hindi manlang n'ya sinamahan si Sol na nagdurusa habang tinuturukan.

"I know how mad you are to me right now," sabi n'ya sa akin. He caressed Solasta's face kaya naman bahagya kong nahampas ang kamay n'ya, "but she's still my best friend. And you can't do anything about that," dagdag n'ya pa.

Mabuti na lang at nakatulog si Solasta. Nakita ko kung paanong bumagsak ang luha nito sa mata kahit na nakapikit s'ya, alam kong nasasaktan pa rin s'ya kahit na sa pagtulog n'ya. And this dumbass beside her have the audacity to fucking came here, despite of what he did.

Napapikit ako bago bumuntong hininga at tiningnan si Solasta. Pinunasan ko ang luha na bumabagsak pa rin galing sa mata n'ya, bago s'ya pinagmasdan.

"Ayaw n'ya na nakikita s'yang nahihirapan, that's why I stayed outside even though I know that she needs me." Sabi n'ya sa'kin habang nakatingin din kay Solasta, "I forgot to tell you that she also undergo a chemotherapy dati. And she's always pushing me away." Dagdag n'ya pa bago ngumiti ng malungkot.

Mukha naman akong napipi dahil sa sinasabi n'ya, hindi ko alam na ganoon pala ang story behind of what he did. Hindi ko dapat s'ya hinusgahan kaagad dahil nasasaktan din s'ya because of what was just happen.

"She's taugh." Sabi ni Syx na pumasok sa kwarto ni Solasta, ngumiti naman si Wade sa kan'ya at tumango bilang pagsang-ayon. "She's not physically strong, but she is mentally strong." Sabi ni Syx at ngumiti bago tiningnan si Solasta.

Alam kong inatake na naman s'ya ng sakit n'ya dahil sa lipstick na nagkalat sa labi n'ya at sa buhok n'ya na gulo-gulo pa. Mukha tuloy s'yang baliw talaga, hindi ko alam kung tatawanan ko ba s'ya o kakaawaan dahil sa kondisyon n'ya. Baka ma-minusan din ako sa langit dahil sa pagtawa ko.

Mukhang kaming tatlo ngayon ang nakatingin kay Solasta na nakatihaya na ngayon. Puro dugo ang lumalabas sa kan'yang likod at bisig, siguro ay dahil sa kinuhang blood samples din ng doctor kanina at dahil sa chemo n'ya.

"She's still crying even though she's asleep. She is really in pain right now," sabi ni Syx na narinig din ang hikbi ni Sol kahit na nakapikit ito.

"Nasa bangungot s'ya eh." Sabi ni Wade.

And I know what does it means. Ayaw n'ya lang talagang iparating kay Syx ang nasa likod ng sinabi n'ya. Nasa bangungot nga si Solasta, pati ang barkada. Isang bangungot na ang hirap takasan dahil ito ay reyalidad na. Reyalidad na sobrang sakit dahil sa katumbas na masakit na katotohanan.

Napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ito ng mabilis. Palpitation. Ito ba ang side effects ng gamot na sinasabi ni Doc? Ito na ba 'yon? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang nasa isang karera. Karera siguro ng puso, pwede pa.

"Are you okay, Sylv? Namumutla ka." Tanong sa akin ni Syx. Alam ko naman na alam na n'ya kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon, she just wanted me to say it infront of her face.

Napalunok ako dahil sa paraan ng pagtitig n'ya. So I immediately diverted my gaze at tumitingin na lang uli kay Solasta.

Sol, mahal na mahal kita.

Mahal na mahal ka namin.

"A-ayaw ko na p-po.." nanghihinang sabi ni Solasta. Nakapikit pa rin s'ya at naka-closed ang fist n'ya, kaya naman hinawakan ko uli ang kamay n'ya.

"T-tama na p-po...p-pagod na po-"

"Shh. Nandito lang kami, Sol" sabi ko.

Tumahimik naman si Sol at wala na rin ang sunod sunod na hikbi n'ya kagaya kanina. Nakatingin sa akin si Syx na parang pinag-aaralan ako hanggang sa maramdaman ko na lang na may pumasok sa room ni Solasta.

Nakita ko si Zhyneth at Keileigh na humahangos na napaupo sa sofa ng kwarto ni Sol.

"She's really looks like a ticking bomb, isn't she?" Hinihingal na tanong ni Zhyneth bago tinuro si Solasta kahit nananginginig pa ang kan'yang kamay.

Mukha silang nakipagkarera sa sampong kabayo kahit na wala namang kabayo rito sa hospital. Napangiwi ako sa kanilang dalawa, bukod sa mukha silang nakipagkarera ay kagaya rin sila ni Syx.

"Mukha kayong baliw, doon na nga kayo." Sabi ko sa kanila bago tinulak paalis.

Ngumuso naman si Zhyneth pati si Keileigh at nag-puppy eyes pa sa'kin kaya naman no choice, hinintay namin na magising si Solasta kahit na dumating na ang hapon.

-
AwakenLune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now