Chapter 6

2 1 0
                                    

NAGISING ako sa hikbi ng isang tao. Nasa kwarto pa rin pala ako ni Solasta, ngayon ko lang napansin dahil ni Solasta na ngayon ay gising na. She's awake and crying. Tumayo ako at tumabi sa kan'ya bago s'ya niyakap. Niyakap ko lang s'ya until she calm down, buti na lang at wala rito ang mga marites dahil baka magwala sila kapag nakita nila na niyakap ko si Sol. Nang makita ko na okay naman na s'ya ay kumalas na ako sa pagkakayakap, nakita ko s'ya na kunot ang noo habang nakatingin sa mga marks n'ya sa katawan. Nagtataka siguro s'ya kung bakit s'ya nagkaroon ng marks, pero maya-maya ay naluha na naman s'ya at kalaunan ay kumalma rin.

Dumating na rin ang barkada at niyakap si Solasta. Kinwento nila ang lahat ng nangyari mula sa normal na raw ang tulog at gising ko, at doon sa nangyari na tinurukan s'ya ng malala at muntik na kaming mag-away ni Wade dahil sa kan'ya. Nakita kong nalungkot si Solasta habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Wade, ngumiti lang ako sa kan'ya at nag-thumbs up, ganun din ang ginawa ni Wade na ngumiti kay Solasta. I don't want her to feel like she's being a burden to me, to us. Gusto ko s'yang maging kumportable sa akin hanggang nabubuhay pa ako, alive, and kicking.

"Bakit hindi ka naman kasi pumasok, Wade?" Mahinahon pero alam kong iritang tanong ni Keileigh kay Wade. "Ayaw mo bang samahan si Sol?!" Sigaw n'ya pero alam kong mahinahon pa rin ang kalagayan n'ya.

Narinig ko ang buntong hininga ni Wade bago ininguso si Solasta na ngayon ay mukhang nanghihina. Kaya naman lumapit ako rito at tinapat ang kamay ko sa noo n'ya.

"Do you want to eat?" I ask her. She just nod kaya naman tumingin ako kay Wade.

I know that he knows what kind of look I am giving to him. Kaya naman umalis na s'ya at nag-paalam kay Solasta na lalabas lang. Napakunot naman ang noo ni Solasta bago tumingin sa akin, ngumiti lang ako sa kan'ya bilang tugon at wala na s'yang sinabi.

She's curious.

"Hintayin na lang natin s'ya. Okay ba 'yon?" tanong ko sa kan'ya. Nanghihina naman s'yang tumango at sumandal sa headboard ng kama n'ya.

"Wala ka bang weird na nafifeel, Sol?" nangungulit na tanong ni Zhyneth.

"Wala naman.." sagot ni Sol.

"Sakit? Wala kang nafifeel na masakit?" tanong naman ni Keileigh.

"She's sick, of course she's going to feel hurt. Tsk." Sabi ni Syx kaya naman napamulat si Solasta, may dumaan na sakit sa mata n'ya dahil sa sinabing iyon ni Syx.

She became too silent kahit na dumating na si Wade at kumain na kami, wala s'yang naging tugon kundi tango sa amin. Kahit na tinatanong namin s'ya ay tango at matitipid na salita lang ang sinasabi n'ya. Hindi ko tuloy alam kung nasasaktan ba s'ya o hindi, pero ang feeling ko ay nasasaktan s'ya. She's hurt because of what Syx says, even though alam naman n'ya na totoo ang sinabi ni Syx about her.

Pagkatapos nun ay bumalik na s'ya sa higaan n'ya at bumalik na rin sa kwarto nila ang iba, ganoon na rin ang ginawa ko. Hindi ko na sinaraduhan ang kwarto ni Sol pati na rin ang kwarto ko, para naman mabilis ko s'yang maalalayan if there's an emergency.

Makalipas ang ilang segundo at minuto ay hindi pa rin ako makatulog, kanina pa rin ako nagpapagulong-gulong sa bed ko. Wala naman akong ibang magagawa dahil wala naman akong gadgets, hindi katulad nina Syx na binisita ng parents nila a month ago. Napabuntong hininga ako bago binuksan ang bintana ng kwarto ko at tiningnan ang kalangitan.

"Ma, I'm sorry kung nabigo kita ah? I just wanted to stay awake for them.." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan at sa nagniningning na mga bituin. Bumagsak ang luha galing sa mata ko, mabilis ko namang pinahid iyon. "Ma, gawin mo naman akong strong oh" paki-usap ko kahit na imposibleng marinig n'ya ako.

Maya maya pa ay may narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya naman sinaraduhan ko ang bintana ko, bago dahan-dahan na lumapit sa pintuan ko. Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si Solasta na nakangiti sa akin, she's wearing a frozen designed pajamas at may hawak itong dalawang ice cream.

Ngumiti ako sa kan'ya and she dragged me papunta sa kwarto n'ya. Pumunta s'ya sa bed n'ya at parang may kinuha sa ilalim ng kama n'ya, umiling-iling na lang ako dahil sa batang 'yon. She's terminally ill buy she can do that kind of stunt. Maya-maya ay nakita ko na s'yang nakadapa sa kama n'ya habang hawak ang laptop- LAPTOP?!

I blinked my eyes three times bago lumapit kay Solasta na may hawak ngang laptop. She smiled at me innocently.

"Akin ang isang ice cream, sa'yo naman ang isa. Anong gusto mong panoorin?" Sabi n'ya sa'kin at tinanong din ako. "You want to watch marvel movies?" dagdag n'yang tanong. Ngumiwi lang ako at tumango.

Wala akong alam sa tinanong n'ya. Buong buhay ko ba naman ay nandito na ako sa hospital, kaya ayun.. wala akong alam na panoorin galing sa labas ng hospital na ito. Wala rin naman akong laptop o kahit na anong gadgets na pwede akong maging updated.

Napatitig ako kay Solasta dahil sa ngiti na nakikita ko sa mukha n'ya. I can't feel anything just by looking at her eyes. Feeling ko tuloy ay pinipilit n'ya lang na maging masaya because that's who she is, and she'll always be.

You're Sol which means you are our light, sun and source of energy. Hindi mo kailangang magpanggap, just be who you are.

"Hindi mo pa ubos?" She ask me while looking at the ice cream beside me. Kumuha ako ng kutsara bago nilagay ang ice cream sa harap ko, kumuha na rin ako nito at kumain. "Kuya, nauubos na ang sa'kin." Bigla n'yang sabi kaya napakunot ako at natawa na rin.

Alam ko na kaagad kung ano ang sinasabi n'ya. Ginulo ko ang buhok n'ya bago nilagay sa gitna namin ang ice cream na binigay n'ya sa akin, I can't say 'no' to her.

"Share tayo," sabi ko na lang at ngumisi. Natawa naman s'ya, and this time alam ko na totoo ang tawa at ngiti n'ya.

She doesn't need to be strong all the time, isn't she?

Kailangan n'ya ring maging masaya, kagaya ng pangalan at nickname n'ya. She's our Sol. A sun that will always rise.

Our source of light in this hellish hospital.

"Thank you, Sol. I'll stay awake for all of you," sabi ko ng makita s'yang natutulog na sa tabi ko.

Mabuti na lang at maliit s'ya at magaan kaya nagawa ko s'yang buhatin bago ilagay sa tamang higa n'ya.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko at natulog.
-
AwakenLune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now