Chapter 4

0 0 0
                                    

ILANG MONTHS na ba akong tulog? Hindi ko rin alam. Tulala ako habang inaalala ang mga pangyayari, simula noong umiiyak ako hanggang sa makatulog ako. Hindi ko nga alam kung nagising pa ako pagkatapos nun, wala akong maalala kahit na pukpukin ko pa ang ulo ko. Nakita ko si Wade na nakahiga sa sahig, kasama ang iba pati na si Solasta na galing pa sa ibang ward ay nandito rin sa kwarto ko. Bumaba ako ng kama bago ko sila tiningnan.

I am so frustrated. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, all I know is I don't know what to do. I don't know what to say, parang natuod ako dahil sa pumasok sa ala-ala ko ang gamot na sinabi sa akin ng doctor dati.

"Sylv, gising ka na pala." Pumupungas na bungad sa akin ni Wade.

Nagising na rin ang iba maliban na lang kay Solasta na mahimbing ang tulog. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko dahil sa paraan n'ya ng paghinga.

"I-is she okay?" Nanginginig na tanong ko habang nakatingin kay Solasta. "Kanina pa ba s'ya tulog?" Tanong ko uli.

Ngumiwi naman si Syx bago tiningnan si Solasta. Pinaharap n'ya ito sa kan'ya at nagulantang kaming lahat ng makita namin na dumudugo ang ilong nito, patuloy pa itong dumudugo kaya naman dali-dali kong sinuot ang aking tsinelas bago lumapit sa puwesto nila at binuhat si Solasta.

"Sol, kapit ka lang..." Sabi ko sa kan'ya. Sumunod naman sa akin ang barkada hanggang sa makarating kami sa ER. "Nurse, assist her immediately. She needs that, please pakisabi sa amin kung ano pong nangyari." Sabi ko sa Nurse at nilagay nila sa stretcher si Solasta.

Pabalik-balik ako sa labas ng emergency room dahil sa nangyari kay Solasta. Samantalang si Syx, Wade, Zhyneth at Keileigh ay nakaupo sa upuan dito sa labas ng emergency room, ramdam ko rin ang kaba nila lalo na ni Wade. Wade is her best friend after all.

"I-i feel bad.."

"Me too, hindi ko alam na inatake na pala si Solasta."

"Hindi s'ya magiging masaya kung sisisihin n'yo ang sarili n'yo," sabi ni Wade na seryosong nakatingin sa pintuan ng emergency room.

Maya maya pa ay narinig namin na nagkakagulo na ang emergency room at lumabas ang doctors na nandoon. Naririnig ko ang bawat tunog ng electrical outlet sa loob nun at ang machine. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko dahil sa naririnig ko.

"D-Doc, anong nangyari kay Solasta?" tanong ni Zhyneth na nanggigilid ang luha. "W-wala namang nangyaring masama s-sa kan'ya 'di ba?" dagdag na tanong n'ya pero wala s'yang nakuha na sagot sa doctor.

I forgot..

again.

Solasta is the most fragile girl in our trope. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?

"She's fine, ibabalik lang namin ang pasyente sa kwarto nya-"

"Can I have a request?" tanong ni Syx.

"Yes?"

"Puwede bang sa katabing room namin n'yo s'ya ilagay? Para may kasama s'ya," sabi ni Syx at tumango naman ang doctor. Napangiti naman si Keileigh at Zhyneth na kanina lang ay naiiyak dahil sa sitwasyon ni Solasta.

"Her chemotherapy treatment will start tomorrow." Paalala ng doctor sa amin, napakagat naman ako sa labi dahil sa narinig.

"Be there for her. That girl is the most fragile patient here," sabi ni Doc bago nawala sa paningin namin.

"I'm glad that she's safe," sabi ni Wade at huminga ng malalim.

Lumayo muna ako sa kanila at pumunta sa church na nandito rin sa loob ng hospital. Lumuhod ako sa luhuran at pinagsaklop ang aking kamay, I bow down my head and pray.

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin kaya naman napamulat ako. Nakita ko si Wade na nakangiti sa akin at tumingin sa harapan.

"You're strong. We're going to live. We must stay alive," sabi n'ya at tumayo.

Nakita ko na lang na wala na s'ya sa tabi ko, I did not bother to look whether he walked away or stay.

I don't want to talk to anyone right now.

Bukas na ang start ng chemotherapy ni Solasta, kailangan ko s'yang bantayan kagaya ng ginagawa ko kina Syx, Keileigh at Zhyneth. I have to guard her too.

Tumayo na ako sa kinaluluhuran ko at naglakad papunta sa office ni Doc. Kailangan kong tanggapin ang offer n'ya sa akin, kahit na walang kasiguraduhan ito. Ayaw kong maiwan sila.

"Come in." I heard him says pagkatapos kong kumatok.

Nakangiti si Doc na bumati sa akin bago ako pinaupo sa upuan na kaharap ng table n'ya. He seems prepared too, mukhang alam n'ya na kung bakit ako pumunta sa office n'ya.

Huminga ako ng malalim bago ito ibinuga. Naiinis ako sa sarili ko pero alam ko naman na para ito kina Sol. Alam ko na para ito sa mga kaibigan ko, gusto ko pang mabuhay dahil sa kanila.

"Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong n'ya sa'kin. Tumango naman ako at kinuha ang gamot bago pinermahan ang kasunduan.

Kasunduan na hindi s'ya mananagot kung sakaling iba ang maging epekto sa akin ng gamot na ito.

Lumabas na ako ng office n'ya pagkatapos kong kuhanin ang gamot at pumerma, nakita ko naman si Syx na nakasandal sa labas ng room ko kaya napalunok ako.

"Solasta wants to see us." She said bago bumuntong hininga.

Tinago ko naman sa likod ko ang gamot ng mapansin ko na nakatingin ito sa kamay ko.

"Hindi mo naman gusto ang mamatay, right?" Tanong n'ya sa akin. And for the second time, I gulped and stared at her.

"I'll get going, pumunta ka na lang." Malamig n'yang sabi bago umalis.

Pumasok naman ako sa room ko at napahawak sa dibdib. Kinakabahan ako dahil baka malaman nila kung ano ang sinakripisyo ko para sa kanila.

Syx knows me, as well as Keileigh and Zhyneth. They knows me. Lumabas na agad ako pagkatapos kong uminom ng gamot at pumunta sa kwarto ni Solasta.

And there I saw her laughing with the girls. I noticed how happy she is with their company.

When I'm gone..

would they be sad?

"Sylvestre! Halika rito!" Sigaw ni Zhyneth bago ako binato ng unan.

Pillow fight, huh?

Ngumisi ako sa kanila bago ako tumakbo at hinampas sa kanila ang unan na binato sa akin ni Zhyneth. Hinampas din ako ni Syx pati ng tatlong babae, wala naman akong laban sa kanila dahil mabibigat sila.

"Tama na 'yan, kakain na muna tayo." Biglang sabi ni Wade at nilagay sa sahig ang mga pagkain namin.

Inalalayan namin ni Zhyneth si Solasta na maupo sa sahig.

"Kainan na!" Sigaw ni Keileigh at kumuha na ng pagkain.

Natawa naman kami because of what she did. Hindi naman halatang gutom na gutom s'ya dahil sa pakikipagharutan nilang apat.

"I missed Mama.." sabi ni Solasta kaya naman napatahimik ang mga maiingay na babae sa paligid namin. "S'ya kasi ang nagluluto nito sa'kin hehe" pagpapagaan ni Solasta ng atmosphere.

She's really a ray of sunshine.

Pero kahit na maging araw pa s'ya at kukuhanin din s'ya ng kadiliman.

But as long as I'm alive, hindi sila mamamatay. Nabubuhay sila at sila pa rin ang mabubuhay hanggang sa huli.

-
AwakenLune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now