Chapter 3

1 1 0
                                    

HALAKHAK ni Zhyneth na naman ang tangi kong narinig. Puro halakhak n'ya lang talaga ang naririnig ko, pinakiramdaman ko muna ang paligid ko bago ako bumangon mula sa pagkakahiga. Nagsuot na ako ng tsinelas bago ako umalis sa kwarto ko, I did not bother to wash my hair nor my face. Wala namang mababago kung gagawin ko pa 'yon, gwapo pa rin ako kahit saang banda. Wala mang ligo, hilamos o kung ano, walang talab 'yan sa'kin. Sa paglapit ko sa pintuan ni Zhyneth, naririnig ko na rin ang iba't ibang boses. Puro pamilyar.

"Oh, gising na pala si Loverboy" biglang bati ni Syx sa akin dahilan para mapakunot noo ako.

Saan naman n'ya kaya nakuha ang term na 'loverboy' wala naman akong boyfriend o girlfriend. At tsaka ang alam ko lang na boyfriend at girlfriend ay iyong kaibigang babae at kaibigang lalaki, wala ng iba. Kaya naman nagtataka talaga ako. Bakit ba kasi ako naconfine kaagad? narcolepsy lang naman ito, at wala ng iba.

"Wala ngang jowa 'yan!" sigaw ni Keileigh sabay batok kay Syx. Tiningnan naman s'ya nang masama ng isa, pero sa halip na matakot ay natawa pa ito, "Ops . . sorry na," paghihingi n'ya ng pasensya kay Syx.

Bilib din talaga ako sa tapang ni Keileigh, sobrang sama na nang tingin ni Syx sa kan'ya pero nagawa n'ya pa ring tumawa. Napailing na lang ako at sumandal sa inuupuan ko pagkapasok ko rito. Kumpleto pala ang lahat, kahit na si Solasta ay nandito rin. Kasama n'ya si Wade na nakasimangot sa gilid at masama ang tingin sa akin.

"Ops . . . What's the matter between the both of you?" Tanong ni Zhyneth at ngumiwi. Alam kong natatawa na s'ya pero pinipigilan n'ya lang. "Kanina ka pa nakatingin ng masama kay Sylvestre, Wade." Puna naman ni Syx.

Napansin ko naman na nagkukulitan si Keileigh at Solasta sa gilid. Naka-beanie pa rin si Solasta at namumutla, kahit na nandito s'ya sa ibang ward ay mayroon pa rin s'yang suot na swero. Nakakaawa naman ang batang 'to, but I'm sure that she has long way to go.

"Ngayon naman ay kay Solasta ka nakatingin?" Taas kilay na tanong sa'kin ni Keileigh. Napatingin din tuloy si Wade at Solasta sa'kin, napansin ko rin ang lalong pagsama ng timpla ng mukha ni Wade. Parang naha-hotseat tuloy ako rito. "Grabe ka na, Sol." Asar ni Keileigh kay Solasta, tumawa naman ng mahina si Solasta at hinampas si Keileigh.

"Protective lang si Wade," sabi ni Solasta at ngumiwi. "Ama ko ang may sabi na bantayan n'ya ako." Mababa ang tingin n'yang sabi. Natahimik ang lahat dahil doon.

"H-hoy! 'Wag n'yo ngang idamay si Solasta at Wade sa kabaliwan n'yo!" Sabi ko sa kanila at natawa naman silang lahat.

Ini-expect ko ay magkakaroon na naman ng tantrums si Syx dahil nasabihan s'ya ng baliw, kahit na totoo naman. Hindi kasi 'yan nagpapatalo, kaya naninibago ako ngayon. Sabagay, may bago sa circle namin kaya siguro ganyan ang reactions n'ya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o hindi e.

"Sylvestre, are you sleepy again? Namumula ang gilid ng mata mo." Sabi ni Zhyneth sa'kin na nag-aalala.

Lumapit tuloy silang lahat sa akin. Lalo rin akong inantok. I fucking hate this. Ayaw ko pang matulog, gusto ko pa silang makasama. I was gone for 5 days, kailangan kong bumawi sa kanila tapos ito na naman ang antok ko.

"I-i am not . . ." Sabi ko bago tumayo.

Iniwanan ko sila sa loob ng room na iyon bago ako naglakad patungo sa kwarto ko. Pero sa kamalas-malasan ay nakita ko si Doctor Benitez, alam kong may sasabihin na naman s'ya sa'kin. Kagaya ng dati, alam ko na sasabihin n'ya na may taning na rin ang buhay ko. Alam ko na sasabihin n'ya sa'kin na hindi na maganda ang lagay ko. And I fucking know that! Hindi naman ako bingi.

He waved his hand when he saw me. I also did the same thing. Sinenyasan n'ya akong sumunod sa kan'ya na ginawa ko naman, alam ko naman kung saan tutungo 'to. Kagaya ng iba, kagaya ng ginawa nila kay Solasta. Baka ihiwalay din n'ya ako ng ward. Pagkapasok namin sa office n'ya ay tumungo agad s'ya sa cabinet n'ya at may kinuha na isang gamot. Kinuha n'ya rin ang envelope na sa tingin ko ay information tungkol sa gamot na kinuha n'ya.

"Sylvestre . . . Do you still want to live?" He asked. I laugh softly and nodded. "I discovered a supplement na sakto para sa iyo at sa kagaya mong may narcolepsy. Hindi ko pa ito sinasabi sa iba-"

"You want me to be your guinea pig?" I asked him. Probably still nice. "You want me to be your experimental narcolepsy patient?" I asked him once again. He just shook his head slowly.

"It's not like that . . . If you want to live, inumin mo ito." Sabi n'ya sa'kin. He handed me the supplement that he's referring to.

"Let me think about this. I don't want to make any decisions without thinking." Sabi ko at nilapag ang supplement sa harapan n'ya bago ako umalis.

Bumalik uli ako sa kwarto ko at nakita ko sina Zhyneth, Wade, Syx, Solasta at Keileigh na nakatingin sa akin. Nag-aalala silang yumakap lahat sa akin. And I broke down. This is the first time na umiyak ako sa harap ng mga tao. Sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi ko pinapakita na mahina ako, pero ngayon ay hindi ko na napigilan. Sobrang nanghihinayang ako, gustong-gusto ko pang mabuhay para sa sarili ko at para sa mga kaibigan ko.

Hindi ko alam . . .

Hindi ko alam kung ano ang nagiging desisyon ko. I don't want them to control me, I don't to be their tester. I don't want to be a guinea pig!

"Shh . . . Nandito kami," Zhyneth says softly. I hugged her tighter as I cry louder.

Para akong batang nagwawala dahil hindi nabigyan ng candy. But this scenario is a different thing. Nagwawala ako dahil gusto ko pang mabuhay, nagwawala ako dahil I don't want to leave yet. I don't want to leave them.

"Palagi kaming nandito, Sylv. You don't need to keep yourself strong, don't be hard to yourself." Sabi ni Solasta at ngumiti. Lalo akong umiyak, puno ng paghihinagpis ang puso ko. "Sometimes you have to be weak. Hindi mo kailangang maging natatag palagi." Sabi ni Solasta.

Hindi ko alam, Sol.

I want to live.

But I don't want to leave.

"Bro, we're here for you." Sabi ni Wade at tumango sa'kin.

Nandito sila para sa akin. Aside from my Mom. Nandito sila para sa akin, may karamay ako sa lahat ng bagay.

I am alive as long as they're living.
-
Awakenlune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now