Chapter 1

1 1 0
                                    

Trigger Warning: May mga eksena na maaaring maka-trigger ng inyong past. Some parts are also sensitive for young readers. Kindly skip this chapter if you don't want to read this.

Ward Z2

NAGLALAKAD kami ngayon papunta sa ward ng isang bagong pasyente, kahit na bawal kami ay pumapayag ang mga nurses. Ako ba naman ang tinuturo nila na may pakana nito, sabagay ako naman talaga eh. Hindi naman kasi maitatanggi sa mukha ko, kung tatanggi ka 'man-aba! ang lakas naman ng loob mo. Like? Ako na 'to, si Sylvestre. Isa sa pinakamatagal na pasyente rito sa hospital na 'to. Anyways, coming back to the reality malapit na kami sa room na sinabi ng nurse kanina. Nakalimutan ko kung anong name ang sinabi ni Wade, hindi ko naman kasi ugali ang tumanda ng pangalan. Maliban na lang kung gustong-gusto kitang maging kaibigan, tatandaan ko talaga 'yan pati kasamaan ng ugali mo. Balik uli sa reyalidad, nandito na kami sa room na sinabi ng nurse. Tiningnan ko ang room number at pangalan ng pasyente, palagi kasing meron n'yan dito sa hospital. Pangalan ng pasyente at room number.

Room 009
Patient : Solasta

Ayan ang nakalagay na pangalan at room number sa pintuan, pinauna naming makapasok si Wade dahil s'ya naman ang nakakakila sa pasyente roon. Bago kami sumunod nina Syx, Keileigh at Zhyneth. Mabuti na lang at nasa hulog na si Syx kaya hindi na kami nahirapang isama s'ya sa amin. And that was because of me, ako na naman ang nagligtas sa kanya.

"Hello sa inyo," matamlay na bati ng isang babaeng nakahilata sa hospital bed. Nakangiti ito kahit na namumutla, may suot din itong beanie na kulay itim.

Nakakapagtaka na nagsusuot s'ya ng beanie kahit na may buhok pa naman s'ya. Isang mahabang wavey na buhok, and her hair color is brown. Kaya lalong bumagay sa kanya, sobrang putla nga lang n'ya to the point na aakalain ng lahat na isa na s'yang multo. Mahinhin din s'ya kung magsalita, naririnig ko iyon habang kausap n'ya si Keileigh. Hindi ito pasigaw unlike sa mga babaeng nakakasalamuha ko noon nung nasa outside world pa ako. Puro sila sigaw, parang hindi naman nakita kahapon! Tsk! ayaw na ayaw ko pa naman sa babae ang palasigaw.

"Bakit pala kayo napunta rito?" she asked and closed her eyes a little. Inopen n'ya uli ang mata n'ya bago s'ya tumingin sa amin.

"They want to know you," nakangiting sabi ni Wade sa kanya. His smile is the warmest here, hindi kagaya ko ang ngiti - ngiting playboy kasi ako.

"Uh. Hello, I'm Solasta . . 17 years old," pagpapakilala nya, but wait . . 17 years old?

"Sinabi ng nurse kung bakit nandito ako sa ward na 'to. Even though I was with Wade nang pumasok ako rito," sabi n'ya at bahagyang ngumiti. She's still smiling even though her eyes is filled with sadness.

"Sabi n'ya . . . hiniwalay ako dahil sa sakit ko, may chance raw na makahawa ang Myeloma. But, I did not believe her . . ." sabi n'ya, hinawakan naman ni Keileigh at Zhyneth ang kamay n'ya. Nanginginig na kasi ito at namumula na ang gilid ng kanyang mata.

Not because you're in Ward Z2 doesn't mean na nakakahawa ang sakit mo. Narito ka sa ward na ito to heal yourself, for chemotherapy. Narito ka sa ward na ito kasi gusto mo pang mabuhay, gusto mo pang dugtungan ang buhay mo kahit na imposible na. Furthermore as far as I remember from the book that I read year ago, hindi nakakahawa ang Myeloma. Cancer iyon sa dugo, namamana lang iyon pero hindi nakakahawa. Fake news naman ang nurse na nagbigay sa kanya ng ganung information, hindi n'ya deserve 'to. At tsaka bago pa lang s'ya pero marami na agad ang swero na nakalagay sa kanya?!

"My mom died because of this. She's also a cancer victim, hindi n'ya nakayanan . . . kaya siguro ako ni Dad pinadala rito," malungkot na sabi n'ya.

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now