Chapter 7

1 1 0
                                    

Solasta

January 4, 2026

Hindi pa rin gumigising si Sylvestre. Simula nung iwan n'ya ako sa kwarto ko nung chemotherapy ko ay hindi pa rin s'ya nagigising. Nakatingin ako sa kan'ya ngayon habang nakahilata s'ya sa kama n'ya, I know that he's taking a pills na wala namang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung bakit kailangan n'yang gawin 'yon. It's been 1 year since that night. Hindi pa rin n'ya nasisilayan ang araw, hindi pa rin namin ulit nakikita at nararamdaman ang pagiging overprotective n'ya sa amin. Tiningnan ko si Wade na nakangiti sa akin ng malungkot, I know that he and Sylvestre was doing good.

Bakit kailangang mangyari 'to? Pwede namang ako na lang ang kuhanin. Huwag lang si Sylvestre. Kaya ko naman na mawala na lang e, ang hindi ko kaya ay 'yong mawala ang tinuturing kong kapatid at kaibigan. Hinawakan ko ang kamay n'ya at umiyak ng mahina. Crying in silence is the best way para ma-express ang grief ko. I don't want to loss him, kahit ang iba. Ayaw ko silang mawala. Mas gugustuhin ko pang ako ang unang mamatay kaysa sa kanila.

"Gumising kana, Sylvestre." Sabi ko bago umiyak ulit. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko at napapikit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala s'ya.

S'ya lang at si Wade pati si Keileigh, Syx at Zhyneth ang nagparamdam sa'kin na pamilya ako. Pamilya kami. Kaya bawal silang mawala.

Naramdaman ko na lang na may pumunas ng luha ko. Malambot na kamay, minulat ko ang mata ko at nakita ko si Sylvestre. He's smiling but confusion was invented on his face. Tiningnan n'ya si Wade bago ngumiwi. Nakataas ang kaliwang kilay n'ya ngayon sa aming dalawa.

"Sino kayo?" Tanong ni Sylvestre kaya naman natigilan ako. Pumasok bigla sina Zhyneth, Keileigh at Syx kaya naman napangiti s'ya. "Ilang araw akong tulog?" Tanong n'ya kay Syx.

Blankong expression naman ang binigay ni Syx kay Sylvestre. Hindi ito sumagot kaya naman si Zhyneth ang pumunta kay Sylvestre.

"1 year kang walang malay." Zhyneth answered his question straight. Hindi ito nagpaligoy-ligoy.

"A-ano?"

"1 year kang walang malay."

"A-ano?"

"1 year kang walang malay-"

"Putangina! Nakakahilo kayong dalawa!" Biglang sigaw ni Keileigh kaya naman natahimik ang dalawa. Nakasalubong ang kilay nito kaya naman lumapit ako kay Wade.

"Bago ba 'yong dalawa?" He asked. Natigilan si Keileigh sa pagmumura.

Halos ibon lang yata ang naririnig sa kwartong ito kung may ibon man. Ang maingay na silid ay naging tahimik.

Kumurap-kurap sina Syx, Keileigh at Zhyneth dahil sa tanong ni Sylvestre. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaction ko.

"Si Wade at Solasta 'yan..."

It's Keileigh who broke the silence.

"Hindi ko sila maalala.." sabi ni Sylvestre. It hurts me.

Siya lang ang nag-iisang naging brother figure sa'kin. Hindi n'ya ako maalala ngayon? Hinila ako ni Wade palabas ng kwartong iyon dahil sa senyas ni Syx, nagpatianod naman ako dahil wala naman akong magagawa.

Umiyak-iyak ako hanggang sa makapasok sa kwarto ko na kaharap lang ng kwarto n'ya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung anong iisipin ko. Bakit nakalimutan n'ya kami ni Wade? Did he really mean that? Niyakap ko ang aking unan at tinakip sa aking mukha.

Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Alam kong masama sa akin pero hindi ko talaga kayang pigilan. He's so important to me, just like the other. How come that he forgot that Wade and I exist? Dahil ba iyon sa gamot na iniinom n'ya? Dahil ba roon sa binigay ng doctor sa kan'ya? Nanginginig ang kamay kong tinakpan ang aking bibig dahil sa patuloy na hikbi na aking ginagawa.

I'm still a cry baby. And I hate this. Ayaw ko ng maging mahina. Hindi ko ito gusto, bakit ba sa akin pa ito ibinigay? Bakit hindi na lang sa mga masasamang loob? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumisikip ito, kinabit ko ulit ang oxygen sa akin pati ang dextrose. Masakit pero ayos lang, basta makahinga ako ngayong gabi.

"Sol..."

"Sol, wake up..."

Naramdaman ko na may tumapik sa pisngi ko. Kaya naman dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Dugo agad sa kumot ko ang nadatnan ko. Naramdaman ko na naman ang takot, alam kong may chemotherapy na naman ako. Palagi na lang.

Umiiyak akong tinanggal ang dextrose ko at nagtago sa cr ng room ko. Hindi ko manlang tiningnan kong sino ang nasa room ko ngayon. Walang ibang nasa isip ko kundi ang may chemotherapy na naman ako, at may tiyansa na hindi ko na malabanan ang sakit ng bawat turok. Baka sumuko na lang ako bigla..

"Si Sylvestre ito, Sol" rinig ko sa labas ng aking cr. Natigilan naman ako at napahikbi. Binuksan ko ang pintuan ng Cr ko at nakita ko nga si Sylvestre. Naiiyak ito at niyakap ako. "S-sorry ngayon lang ako, Soli.." sabi n'ya kaya naman umiyak ako lalo.

Hindi naman n'ya kasalanan na hindi n'ya kami naalala kagabi. Hindi n'ya kasalanan 'yon, dahil iyon sa gamot na iniinom n'ya. Hindi n'ya kasalanan na gusto n'ya lang na mabuhay. Nanghihina akong niyakap din s'ya pabalik, naramdaman ko na may nagcrack sa katawan ko.

A new bone cracked.

Napangiti ako ng malungkot sa kan'ya at naramdaman ko na lang na binuhat n'ya ako tsaka binalik sa higaan ko. Kasama sina Syx, Keileigh, Wade at Zhyneth ay inayos nila ang higaan ko. Inayos din nila ang dextrose ko.

"Sorry kung late ko na kayong naalala." Paghingi n'ya ng pasensya.

Tiningnan ko si Wade at nakita ko s'yang tumango. Napabuntong hininga naman ako dahil sa ginawa n'ya. He's not expressive like Sylvestre.

"O-okay lang.." mahina at malumanay kong sabi. Napayuko ako at tumabi sa akin si Zhyneth, hinawakan n'ya ang kamay ko. "Gusto mo bang share tayo kay Wonyoung?" She asked out of the blue.

Napakunot naman ako ng mapatunghay dahil sa sinabi n'ya at pinakita n'ya ang picture ng isang babae. Maganda s'ya at maputi. Isang idol kung tatawagin.

"Hindi na n'ya kailangan n'yan, Zhy. She's an idol herself," sabi ni Keileigh at ngumiti sa'kin bago ngumisi.

Minsan talaga ay nakakatakot si Keileigh. Napatingin ako kay Sylvestre na biglang humiga sa sofa.

Natatakot ako na matulog s'ya. Baka kapag nagising s'ya hindi na naman n'ya kami maalala o kaya naman ay wala na s'yang maalala, entirely. Napakagat ako sa labi ko at pinigilan ang luha ko na kumawala.

"Sol...your nose.." biglang sabi ni Wade at lumapit sa'kin. Ganoon din ang ginawa ng iba.

"It's bleeding..." Sabi ni Syx bago tumakbo palabas.

Malungkot akong ngumiti sa kanila bago humarap sa pintuan. Nakita ko na naman ang pinaka-kinatatakutan ko.

Chemotherapy..

Napapikit ako at humagulhol dahil sa mga turok na binibigay nila. Sa tuwing ilalagay nila ang mga karayom sa katawan ko para lang turukan ako ay para akong sinusunog.

Hindi ko alam kung saang bahagi ko ibabaling ang ulo ko. Tumutulo na naman ang dugo ko at wala akong magawa roon. Nanlalabo ang paningin kong hinawakan pabalik ang kamay ni Sylvestre.

"Shh..ligtas kana, Sol." Pagpapatahan n'ya sa'kin hanggang sa makatulog ako.

-
AwakenLune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now