Chapter 2

3 1 0
                                    

Trigger Warning: May masisilang bahagi kayong mai-encounter sa story na ito.

KATOK 'yan ang gumising sa buong sistema ko. Ngayon lang naging normal ang paggising ko, hindi umabot ng months pero umabot ng weeks. Paniguradong marami na naman ang nangyari. And I don't want to miss anything na nangyari, bumaba agad ako sa kama at inalis ang swero na nakalagay sa kamay ko dahilan para mahilo ako. Hindi ko alam kung bakit ako may swero at kung ano ang nangyari sa pagkawala ako ng weeks. Napaluhod ako at taimtim na naiyak, hindi ko gusto ang sakit na nararamdaman ko. Sana naman ay wala akong ibang sakit para naman hindi sobrang miserable ng buhay ko, kawawa naman kasi ako kung oo.

Kahit hinang-hina ako ay lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan kung sino man ang nasa labas. Bumungad sa'kin ang brown na mata ni Solasta, maputla at kulay brown din nitong buhok. Katamtamang weight at katamtamang tangkad. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa n'ya rito. Pinapasok ko na s'ya pero hinila n'ya ako palabas, parang takot na takot ito sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam pero natatakot din ako sa kanya. Hinaklit nya ang braso ko para itago ang sarili nya, niyakap n'ya rin ako para maging shield n'ya. Sa malayo naman ay natanaw ko ang nurses na sa palagay ko ay humahabol sa kanya. Humahangos ito na para bang nakipagbakbakan.

"Solasta . . . " tawag ng nurse sa kan'ya. She's persuading Solasta to come with her. Hinawakan ko naman ang bewang ni Sol at nilagay s'ya sa likuran ko.

"Ano pong meron, Nurse Cha?" tanong ko sa nurse na tumawag kay Solasta.

"Solasta, come here. Tuturukan ka lang naman, chemotherapy lang 'to, Solasta." sabi ni Nurse Cha.

"A-ayaw ko po . . . sabi ni Mikael may nilagay daw kayo r-r'yan," sabi ni Solasta at tinuro ang syringe na hawak ni Nurse Cha.

"Ayaw mo bang gumaling?" Nurse Cha asked Solasta. She's gaslighting her.

"What a bitch. Gusto mo s'yang gumaling pero may lason ang ituturok mo? Dapat sa'yo nasa ward ng mga tuluyan ng nawalan ng bait," biglang pasok ni Syx sa iksena.

Nakangiwi ito at parang sinuntok ang mata dahil sa sobrang itim. Ganun din si Zhyneth at Keileigh, siguro inatake na naman silang tatlo. Sabay na naman sila. Narinig ko naman na bumukas ang pintuan sa isang room, alam ko na kaagad na si Wade ito. Kami-kami lang naman kasi ang nakatira sa ward na 'to, kaya magtataka ako kung may iba pang rooms na bubukas.

"What did you just said, Syx? Lason?" tanong ni Wade at inalis sa pagkakahawak ko si Solasta.

"Sinong maglalason?" tanong uli ni Wade.

"Itong Nurse na 'to," sabi ni Zhyneth with her blood shot eyes.

Parang tumira tuloy s'ya ng sampung shabu.

"What the actual fuck?! Nurse ka pero ganyan ang gagawin mo sa pasyente mo?!" sigaw ni Wade at nag-panic naman ang tatlo.

Si Keileigh at tumakbo sa room nya, alam ko na kung ano ang ginagawa n'ya. Si Zhyneth naman ay tumakbo sa isang sulok habang hawak ang ulo at tenga nya na tinatakpan n'ya gamit ang kamay, habang si Syx naman ay nakatulala na ngayon habang umiiyak at tulala sa kawalan. Alam ko na kaagad kung ano ang nangyayari sa kanila, bumabalik sa ala-ala nila kung ano ang ginawa sa kanila ng mga magulang at ibang tao.

"Wade, lower down your voice. Natatakot mo ang tatlong pasyente," sabi ni Nurse Cha.

"How can I fucking calm down when you fucking attempted to fucking kill my fucking best friend?!" sigaw n'ya at muntik ng sugurin si Nurse Cha.

Pumagitna na lang ako at pumikit. Hindi ko gusto ang ganitong pangyayari sa tuwing gigising ako, parang ayaw ko na lang matulog at pilitin ang sarili ko na huwag makatulog.

"Chemotherapy lang ito, Solasta. Kagaya ng ginawa namin sa Mommy mo," sabi ni Nurse Cha. Natulala naman si Solasta at maya maya ay umiyak na.

Tahimik lang itong umiiyak pero ramdam ko ang sakit na nasa dibdib nya, ramdam na ramdam ko kung gaano kabigat ang mawalan ng magulang. Lalo na kung walang kalaban-laban, kahit pala sa Hospital ay wala pa rin kaming laban. Sa labas ay may mapanlinlang na mga tao, pati ba naman dito? Nakakasawa na at aaminin ko 'yon.

"W-what did you do to my mother? W-why . . " nanghihinang tanong ni Solasta bago ko nakitang dumugo ang kanyang ilong. Nasalo naman ni Wade ang ulo n'ya bago pa ito bumagsak.

"This isn't a crime. I'm just doing my job as a nurse," sabi n'ya at tinurok ang gamot sa katawan ni Solasta.

Hindi na kami nanlaban dahil sa mabilis na pangyayari. Hanggang ngayon kahit umalis na si Nurse Cha ay ganun pa rin ang sitwaston ng tatlo. Hindi ako maka-concentrate kay Solasta dahil nilang tatlo.

"Sylvestre, okay lang. Kailangan ka nina Zhyneth, sa kwarto ko muna si Sol" sabi ni Wade at tumango naman ako.

Inalalayan ko si Syx na bumalik sa kwarto n'ya, tinago ko na rin ang mga gamit na pwede n'yang magamit to harm herself. Sunod ko namang pinuntahan ay si Zhyneth, inalalayan ko rin ito pabalik ng kwarto n'ya. Umiiyak na s'ya at parang gusto nang maglaho. She doesn't want to remember her past, pero dahil nga bago pa lang si Solasta ay hindi pa nito alam kung anong problema ba ang meron si Zhyneth. Tinago ko na rin ang mga gamit na pwedeng makasakit sa kanya.

Sunod naman ay si Keileigh. Pinuntahan ko s'ya sa kwarto n'ya, hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya but I'm sure na may ginagawa s'yang mali sa sarili nya. Humahangos akong pumunta sa cr at nakita ko s'ya na hawak ang blades habang nakatitig sa salamin. Gulo na naman ang buhok nya at tumutulo ang dugo sa kanyang pisngi. Habang ang kamay naman n'ya ay nagdurugo rin.

"K-keileigh . . . " tawag ko sa kanya. But it seems like she can't hear anything.

"Wala kang kwentang Ama!" bigla nitong sabi bago sinabunutan ang sarili.

"Wala kang kwenta! Hindi kita tatay! Wala akong tatay na kriminal!" sigaw n'ya ulit at umiyak na pagkatapos. Ginalusan nya ulit ang kanyang sarili, at nang akma nya na namang gagalusan ang sarili nya ay lumapit na ako.

"Keileigh . . . shh, I'm here already." sabi ko at niyakap s'ya, sinandal ko ang ulo n'ya sa dibdib ko. Doon sya humagulhol.

"S-sylv, I'm so sorry. I broke my promise," sabi n'ya habang sumisinghot. Pula na Ang pisngi nito at mata.

"It's fine, Kei. Everything's fine, you're fine and you're worth it." sabi ko sa kanya.

"Kamusta si Sol?"

"She's with Wade. Muntik na s'yang mamatay kanina, mabuti na lang at kumatok s'ya." sabi ko sa kanya.

"Saan kumatok?"

"Sa pintuan"

"Whatever, Sylvestre" sagot nya.
-
AwakenLune

Another Life, Another Chance Where stories live. Discover now