4.Bahaghari

1 0 0
                                    


May kanya-kanyang kulay,
kung saan iba’t iba ang buhay
kagandahan ay nasa kalooban
ngunit sa isang pagkakamali,
buong katauhan ay pupunahin.
Sa panlabas na anyo,
ito ang mas may punto
at ang pag-uugali, ito’y anino
walang puwang, parte lamang.
’pagkat sa karamihan,
mas kapansin-pansin ang nakikita,
ang may alam ang mas kakaiba
ngunit, ito’y isang kamangmangan
kasakiman at puro kadahilanan.
Walang espasyo ang katotohanan,
sapagkat lamang ang kasamaan,
at sa BAHAGHARIng ito,
tayo ang bumubuo
ikaw at ako ang nandito
kung saan nabahiran ng
iisang kulay—walang ibang makikita
kundi ITIM na marka.

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now