14.Bituin

0 0 0
                                    

Bituin

Ang ganda mo.
Ang liwanag mo.
Maningning ka sa lahat.
Bukod tanging hinanap ko sa kalangitan.
Milyon man kayo sa kalawakan.
Ngunit isa ka sa nais kong makilala.
Ikaw lang aking biyaya.
Kislap ang gumagabay sa 'kin sa daan.
Ikaw lang madalas kong tingnan.
Kahit na marami kayo, alam kong ika'y kakaiba–aking liwanag.
Mahiwaga at sa puso ko ikaw ang siyang bumihag.
Ikaw ang aking bituin, at sa aking paningin bukod tangi kang kapansin-pansin.

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now