19.Pera

0 0 0
                                    

Pera

Hinahanap, ang kailangan ng karamihan.
Dahilan ng alitan at kasakiman.
Dahilan din ng kabutihan at kalakasan.
Bumubuhay sa mundo, sukli sa lahat ng kapaguran.

Ngunit kahit na ito magandang dulot,
Maraming isip ang baluktot.
Mga salitang mabantot.
Mabilis mag-isip, ngunit hangin ang buong ideya;
makasarili, buraot!

Kaya sana'y magamit nang wasto.
Huwag sabay uso, magpakatotoo.
Gamitin sa tamá, hindi lang dahil gusto.
Magbigay ukol sa totong desisyon, may puso!

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now