6. Distansya

1 0 0
                                    


Sa bawat pagitan, kailangan ng pang-unawa.
Handang unawain ang mga baka sakaling gawa.
Sa bawat gawa, kailangan tiyak hindi awa.
Pag-isipan ang mga salita at ipapakita,
Dahil maraming nasa paligid ang handa maging banta
Kahit nasa tama, ilalagay ka sa maling balita—
Kilalanin ang mga kasama!
Maging maingat, maging marunong matuto kumilala.
Upang sa huli, malaman mo kung sino ang tunay mong kaibigan sa bawat kabanata.

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now