7. Panulat

1 0 0
                                    


Nagtala ng kakayahan,
Nagsiwalat ng katotohanan,
Nagbigay kaalaman.

Mahiwagang armas. 
Kasiyahan ang tuklas. 
Nagmulat sa bukas.

Naghatid ng kalayaan. 
Simbolo ng kapayapaan. 
Nagdulot ng katunungan. 

Panulat ang 
nagsilbing pahinga
Sa mga araw na
Labis ang bigat ng paghinga. 

Panulat ang
naging daan
Para magmulat, 
Makapamulat
At patuloy na sumulat. 

-Roselia Poessy

EmotulaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang