16.Oras

0 0 0
                                    

Oras

Mabagal kung minsan, 
Ngunit madalas ito'y nagmamadaling
tapusin ang panibagong kinabukasan.
Subalit, dulot nito pagbibigay gabay
Higit sa lahat, aral sa araw-araw na paglalakbay,

Walang katapusan, paulit-ulit na bilang ng buhay.
Kailangan lang ng pagpapahalaga,
Sapagkat wala na itong pagbabalik; bago na.
Sa isang pagkakamali, pagsisisi sa huli ang naghihintay.

Hawak ng bawat isa ang kanyang kapalaran,
Kailangan kilatisin ang bawat pinagdadaanan,
Matutong itama ang mali, 
gawin ang nararapat sa susunod na kabanata.

-Roselia Poessy

EmotulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon