13.Bayani

10 0 0
                                    

Bayani

Kahit agrabyado'y tutugon, 
Sila muna bago ang sarili, ito ang layon. 
Kabilaan man ang problema, walang sasayangin na panahon.

Dahil may puso handa sa lahat ng pagkakataon.
Maasahan at tutulong saan mang sulok.
Sapagkat hangad ay kabutihan, 
ito'y pangako hanggang dulo.

Ngunit sakim ang tadhana,
Sarili ay laging api,
kahit hangad ay busilak na kalooban.
Datapwat, gagawin ang katapatan,
Para sa bayan, ihahayag ang kalayaan.

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now